Bagong Taon, lumang laban
REPORT CARD - Atty. Ernest Maceda (Pilipino Star Ngayon) - January 8, 2020 - 12:00am

BAGONG dekada na subalit hindi pa rin napapayapa ang tanggapan ng Bise Presidente ng Pilipinas.

Kahapon ay naghain muli ang kampo ni Senador Ferdi­nand Marcos, Jr. ng panibagong Memorandum kung saan kinukuwestiyon pa rin niya ang naging resulta ng preli­minary count sa pinili niyang pilot provinces na Negros Oriental, Camarines Sur at Iloilo.

Maaalalang imbes na mapatunayan niya ang isinum­bong na pandaraya ni noo’y Congresswoman Leni Robredo­, ang nangyari ay lalo pang nadagdagan ang lamang ng huli.

Hinihiling din sa Presidential Electoral Tribunal ng kanyang isinampang Memorandum na dapat ay magpa­tuloy na ang Hukuman sa pagbisita sa resulta sa mga Mindanao provinces kahit pa hindi niya nalampasan ang takda ng batas na kondisyon na patunayan muna ang iregularidad sa kanyang pilot provinces.

 Ang walang hupang palitan ng akusasyon sa pagitan­ ng dalawang matataas na personalidad ay hindi nakakatulong sa stabilidad ng imahe ng posisyon ng Panga­lawang Pangulo. Si Vice President Leni Robredo ang tuma­tayong lider ng oposisyon laban sa napakataas na approval rating ng administrasyon.

Napakahalaga ng papel na kanyang ginagampanan at totoo namang lumalaban ito upang iparating sa madla ang posisyon ng kanyang partido na umuusig sa mga gawain ng pamahalaan na tingin nila’y taliwas sa ideya ng matuwid.

Ito na lamang kanyang Report Card sa kampanya laban sa iligal na droga batay sa kanyang naudlot na panunungkulan sa Inter Agency Committee against Drugs ay bagay na nakakaakit ng komentaryo.

Ang suma total nito ay nabibigyan ng karampatang atensyon ng publiko ang programa ng gobyerno laban sa droga. Kesyo sang ayon ka o kritikal, anumang atensiyon ay napapakinabangan. Ang pagsusuri ay laging nakakatulong sa pagpabuti ng mga patakaran. 

Ang dating protesta ni Senador Mar Roxas laban kay Vice President Jojo Binay ay tumagal din ng anim na taon kahit hindi naman sineryoso ng una ang kanyang reklamo.

Sana ay maresolba na ang Marcos vs Robredo Protest nang maging mas epektibo ang sino mang mauupo sa paglingkod sa bayan.

PRESIDENTIAL ELECTORAL TRIBUNAL
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with