Power supply agreement ng Meralco, binabara sa ERC
AKSYON NGAYON - AL G. Pederoche (Pilipino Star Ngayon) - January 6, 2020 - 12:00am

Binabraso ng mga clean-energy adovocates “kuno” ang Energy Regulatory Commission (ERC) na ibasura ang mga power-supply agreements (PSAs) ng Manila Electric Company (MERALCO). Katuwiran ng clean-air envi­ronment at consumer groups na hindi environment-friendly ang mga ito.

Nagrali ang Power for People Coalition (P4P) sa tang­gapan ng ERC. Iginigiit na: “ERC is acting as a floodgate that keeps another onslaught of dirty coal and fossil fuels upon Metro Manila power consumers at bay.” Mistulang­ “Nos­tradamus” si Gerry Arancesa na nangu­nguna sa grupo. Hinuhulaang mapapahamak ang mundo kapag ina­prubahan ng ERC ang mga PSA ng Meralco.

Tingin ko, si Arances ay may layunin lang na manggulo. Kasi, hindi naman nagbibigay ng rekomendasyon para maresolba ang problemang inirereklamo nila. Tigilan­ na sana nila ang pagkukunwari na mahal nila ang kali­kasan para sa kanilang personal agenda.  Ang kailangan­ ng ating bansa ay masiguro ang malaki at sapat na kur­yente, hindi ang panggugulo ng mga grupong ito.

Nagsusumikap ang gobyerno upang matapos ang mga bilyun-bilyong halaga ng proyekto para mabigyan ng mas maaliwalas na buhay ang ating mga mamamayan, at lalong maiangat ang ating bansa. Iginigiit ng mili­tan­teng grupo na ang mga coal plants ay naglalabas­ ng maru­ming usok. Nasolusyunan na iyan ng maka­bagong tekno­lohiya katulad ng mga High Efficiency Low Emission (HELE) at ng mga Ultra-Supercritical coal-fired power plants na ginagamit sa Taiwan at Japan.

Ang mga lumang planta na tumatakbo na ng higit sa 25 na taon ay ang siyang mga nakakapinsala sa ating kalikasan, hindi ang mga makabago at modernong mga planta.  Isa pa,  bakit Meralco lang ang pinag-iinitan  gayung may mga ibang kumpanya pa gaya ng SMC, Aboitiz, Filinvest o Alsons na siyang nagpapatakbo ng mga planta sa iba’t-ibang lugar sa ating bansa? 

Sino ba ang nakinabang nang gusto sa panahon ng dating administrasyon?  Hindi ba ang crony ng mga Aquino na dating may ari ng Meralco na hanggang ngayon ay may mga negosyo pa rin ng power generation?  Ang iba nga lang sa kanila eh ang mga source ay natural gas, at hindi coal.

ERC GERRY ARANCESA MERALCO PSA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with