^

PSN Opinyon

Pagtuos, pagpatawad sa katapusan ng taon

SAPOL - Jarius Bondoc - Pilipino Star Ngayon

BAKIT sa Disyembre 31 nagtatapos ang taon? Nagsimula ‘yon nang bumago ang Europe nu’ng 1582 sa kalendaryo ni Pope Gregory XIII. Dinagdagan ng Gregorian Calendar ng dalawang araw sa Disyembre. Bago noon sa Julian Calendar na pinatupad ni Julius Caesar nu’ng 46 BC, hanggang Disyembre 29 ang taon; kung tutuusin nga, kulang din ang mga buwan ng kabuuang 13 araw, kaya binago ito ng mga astronomers nu’ng panahon ni Gregory makalipas ang 15 siglo. At nagkaroon din ng leap year tuwing apat na taon sa Gregorian Calendar. Mabilis itong  kumalat sa America, Asia, at Africa, na noon ay nahahati sa maraming kolonya ng mga Kastila, Portuguese, Bri-tish, French, Belgian, Dutch, German, at Italian. Kaya karamihan ng mga bansa ngayon ay sumusunod sa 12 buwan, 52 linggo, at 365 (o 366) na araw sa taon, na nagwawakas sa Disyembre 31.

Meron pa ring 32 sinaunang kalendaryo na sinunod ng ilang mga tradisyon, tribo, at relihiyon. Halimbawa ang mga kulturang Balinese, Javanese at Japanese; lahing Berber, Bengal at Assyrian; o sampalatayang Bahá’í, Buddhist, Coptic at Islam. Ang Hindu Calendar ay may tatlong bersiyon ng tatlong sekta. Maraming ibang matatandang kalendaryo na naglaho sa paggamit. Halimbawa ang ancient Roman at Greek Calendars na sinapawan ng bersiyon ni Emperor Caesar.

Anumang bansa o relihiyon, tinuturing ang huling araw ng taon na pagtutuos at pagpapatawad. Ayaw ng tao na nagkikimkim ng galit. Kailangan mailabas ito kahit paano. Kaya nagkaroon ng iba’t ibang paraan ng pagwawakas. May mga tribo na nagpapaligsahan ng lakas, simbulo ng pagtapos ng digmaan. Merong mga lahi na nagsusunog ng dayami na korteng kambing o tupa bilang pag-iwan sa nakalipas, o nagbibigayan ng mga napagsawaang damit o kagamitan sa bahay bilang pagtatapos ng hirap at sakripisyo. At lahat ng sampalataya ay nagtuturo ng pagpapatawad at paghingi ng tawad -- grasyang panimula ng taon.

vuukle comment

POPE GREGORY XIII

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with