Kriminal si Attorney
IKAW AT ANG BATAS - Atty. Jose C. Sison (Pilipino Star Ngayon) - December 31, 2019 - 12:00am

(Huling bahagi)

INAPRUBAHAN ng IBP at kalaunan ay ng Supreme Court ang rekomendasyon. Ayon sa SC,ang mga naging kilos ni Attorney Abogado nang gawin niyang kabit ang kanyang sekretarya, ang pagkakaroon ng dalawang asawa na sina Carla at Lina na immoral sa ating lipunan at kailanman ay hindi kinukunsinti, ang pagkulong at pagpapahirap kay Myra ay pawang nakakahiyang pagkilos na tanging isang halimaw lang na tulad niya ang makakagawa.

Hindi man lang nga napatunayan o naipaglaban ni Attorney Abogado na dapat panatilihin ang kanyang pangalan sa listahan ng mga abogado sa Pilipinas. Hindi siya sumipot sa mga pagdinig o kaya ay naghain ng anumang depensa. Ang kontra-salaysay ni Cita na isang babae na miyembro ng kulto ay nagpatunay pa nga na talagang ikinulong ni Attorney Abogado si Myra ng labag sa kanyang kalooban.

Kahit pa sinasabi ni Attorney Abogado na malaya si Myra na umikot sa lugar ng kulto noong araw na sinundo siya ng mga pulis at nakita pa siya ng mga babaeng taga-DSWD na gumagala sa lugar at hindi nakatali ay walang silbi.

Hindi naman kailangan na pisikal na ikulong si Myra para sabihin na hindi siya malaya. Sapat na lagi siyang may kasama sa tuwing umiikot siya sa bundok na malayo sa kabihasnan at sa kanyang bayan.

Ang mga miyembro ng kulto ay mahigpit na sumusunod sa lahat ng utos ng lider nilang si Attorney Abogado para bantayan si Myra at huwag pakawalan. Lahat ng ito ay malalaman sa salaysay ni Cita na siyang kinakagalitan lagi ni Attorney Abogado sa tuwing malalaman nito na nakakawala sa pagtatali ang kamay at paa ni Myra.

Sa mga  pagkilos na ito ni Attorney Abogado ay walang pag-aalinlangan na tumigil na siya sa pagtataglay ng katangian ng isang abogado at gumawa ng grabeng kalokohan o grave misconduct (Mecaral vs. Velasquez, A.C. No.8392, June 29, 2010).

SUPREME COURT
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with