^

PSN Opinyon

Ang diwa ng Pasko

REPORT CARD - Atty. Ernest Maceda - Pilipino Star Ngayon

Maligayang Pasko sa mga sumusubaybay sa aking column. Ang inyong pagtangkilik ang nag­sisilbing inspirasyon upang patuloy akong magpursigi sa paghahatid sa inyo ng mga kuru-kuro, haka-haka na kahit papaano’y umaambag sa pambansang usapan sa mga usaping panlipunan. Marami pong salamat sa inyong lahat. 

 Nagpapasalamat din ako sa mga mabuting kaganapan sa taong ito. Ito lamang linggong nakalipas ay niregaluhan tayo ng napakagandang Christmas gift sa anyo ng guilty verdict laban sa mga akusadong Ampatuan at iba pa sa kasong Maguindanao massacre ng 2009. Dahil sa husay, tapang at paninindigan ni Hukom Jocelyn Solis-Reyes, nangibabaw ang imahe ng Hudikatura at tumindi ang tiwala ng taumbayan sa ating mga mahistrado.

 Marami rin ang natuwa sa ikinilos ng Malacañang para makagaan sa ating kalbaryo sa tubig. Dahil sa pagmamatigas ng Presidente, nakatipid tayo ng milyun-milyong halaga na ibinabayad sa Manila Water at Maynilad bilang penalty sa mga hindi nila kinitang halaga. At ang mga kontratang pinasok na nang matagal ay rerebisahin para matanggal ang mga mabigat na probisyon. Konsuwelong malaki subalit hindi pa natin nasusukat kung ito’y hindi makabubuti sa huli. Ang epekto nito sa mga nais sanang mag-invest sa Pilipinas ay pihadong negatibo. 

 Patuloy ang bulusok ng approval rating ng Presidente at ang economic growth ng bansa ay positibo pa rin ang dating. Kailangang punahin at purihin, hindi lamang ang Presidente kundi ang kanyang mga inatasang mga kalihim at kanang kamay na kabalikat niya sa pagpatakbo ng gob­yerno. Mataas ang estimasyon sa kanila ng taumbayan, batay sa rating sa SWS at Pulse surveys. Ibig sabihi’y paniwala ang tao na ang ating kinalalagyan sa ngayon ay hatid na rin ng kanilang magandang performance.  

Para sa lahat ng ito, at sa iba pang karapat-dapat, ang pasasalamat na siyang diwa ng Pasko ay nanunuot sa ating puso at pagkatao. Sana’y magpatuloy ang mga biyaya para sa lahat maging sa darating na panahon.

vuukle comment

PASKO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with