^

PSN Opinyon

Mga musmos tinatarget ng mga mamamatay-tao

SAPOL - Jarius Bondoc - Pilipino Star Ngayon

“OLI impan sotengder en mayeld....” Habang kina-caroling ‘yan ng mga musmos, ipagdasal natin ang kaligtasan ng mga bata sa buong mundo.

Nu’ng Nob. sa Yunnan, China, 51 kindergartners ang naospital nang spray-an ng isang attacker ng lason na sodium hydroxide, panglusaw ng bara sa tubo. Sumampa ang 23-anyos na lalaki sa pader ng eskuwela at inatake na lang basta ang mga walang kamuwang-muwang na batang naglalaro. Inggit umano ang lalaki sa kanila, dahil nagdiborsiyo ang magulang niya nu’ng bata siya at lumaki siyang walang kalinga. Pangatlong pag-atake ‘yon sa mga bata sa China nitong nakaraang ilang taon. Abril 2018 sa Shaanxi pinagsasaksak hanggang mamatay ang siyam na middle schoolers ng isang 28-anyos na lalaki. Motibo: na-bully umano siya nu’ng bata pa sa naturang eskuwela. Sunod ang pagsaksak sa 14 preschoolers sa Sichuan ng isang 39-anyos na babae.

Sa America at Europe malimit ang pamamaril ng automatic rifles sa mga eskuwela. Tila nagpaparamihan ang mga attackers ng napapatay ... 30, 40, 50 sa isang kasahan lang ng baril. Mas nakakakilabot, hindi lang ito ngayon nangyayari. Unang naitala ang mga atake sa bata nu’ng 1856, 1864, 1867 at 1868 sa Alabama, Ohio, California, New York at Tennessee. Meron din sa Austria-Hungary, 1902; Germany, 1913; New Zealand, 1923; Poland, 1936; Italy, 1956; atbp. Limang atake sa bata sa America nu’ng 2013; at pinaka-marami sa China, walo, nitong huling limang taon.

Sa Pilipinas nu’ng 2018 tinangka ng isang dayuhang terorista na bombahin ang parada ng 2,000 bata sa Lamitan, Basilan. Mabuti na lang napigilan siya pero nasawi ang tatlong alertong militiamen.

Sa Lumang Tipan ng Bibliya isinalaysay ang pagpakatay ng Pharaoh sa mga bagong silang, pero nailigtas ang sanggol na Moses. Sa Bagong Tipan idinetalye ang pagpakatay ni Herod sa mga sanggol, pero nakaligtas ang Santo Niño Hesus.

“Sopas daboys opan engel....” Maligayang Pasko!

vuukle comment

SODIUM HYDROXIDE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with