^

PSN Opinyon

Sa wakas, bukas

REPORT CARD - Atty. Ernest Maceda - Pilipino Star Ngayon

ISANG tulog na lang at malalaman na rin natin ang kapalaran ng mga nasasakdal sa pamosong massacre sa Mindanao noong 2009 na tinaguriang “Maguindanao Mas­sacre”.

Halos 197 ang suspect sa nasabing krimen kung saan 58 katao ang napatay, kasama ang 32 na miyembro ng media. Natawag itong pinakamalala na election related killing sa kasaysayan ng bansa. Kinilala rin itong worst massacre of journalists sa kasaysayan.

Marami ang na-disappoint nang unang pinagpasyahan ng hukuman na huwag buksan sa publiko ang court trial sa sala ni Judge Jocelyn Solis-Reyes ng RTC Branch 221. Anila’y may interes ang lipunan na mapanood ang mga kaganapan. Ang argumento ay may nakasaad sa Saligang Batas na right to a public trial. Subalit nilinaw ng Supreme Court na ito ay karapatan ng nasasakdal. Nasa kanya kung nais niyang ipilit ang pagsasapubliko ng kanyang paglilitis.

Sa huli ay pumayag na rin ang mga mahistrado sa coverage ng pagbabasa ng pasya ng hukuman. Pagka­tapos ng mahigit isang dekada, mabibigyan na rin ng hus­tisya ang mga biktima.

Bagamat pagbasa lang ng desisyon ang masasaksihan ng lipunan bukas, malaki pa rin ang kontribusyon nito tungo sa pagpalakas ng kumpiyansa ng taong bayan sa proseso ng batas. Maganda at napapanood nila’t napakikinggan ang dati’y sa libro lamang ng batas nababasa.

Maaring ang mga biktima lang at ang mga suspect ang sangkot sa nangyaring paglilitis. Subalit ang parti­sipas­yon at atensyon ng buong Pilipinas ang nakataya sa pagpalabas ng desisyon. Pihadong hindi pa ito matatapos bukas dahil may posibilidad na iangat pa ito sa apela ng kung sino mang mahahatulan. Pero ang hatol ng mababang hukuman ay ang unang hakbang para mapangatawanan ng pamahalaan ang tiwala ng tao sa ating sistema ng hustisya.

vuukle comment

MASSACRE OF JOURNALISTS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with