Police chief ng Las Piñas palpak!
BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas (Pilipino Star Ngayon) - December 17, 2019 - 12:00am

MALAKING bagay sana ang friendship sticker na iniisyu ng Las Piñas City Hall sa mga residente upang maka­iwas sa trapik, subalit inaabuso naman ito ng mga gahaman sa pera. Ang mga kalye ng Las Piñas ay makikitid at gugugol ng ilang oras bago makalabas o makapasok sa lungsod.

Kaya naman may mga alternatibong kalsada ang sadyang ipinagawa ng pamilya Villar sa pangu­nguna ni Senator Cynthia Villar kaya napapabilis ang pagbiyahe. Sa puntong ito, mahalaga ang friendship sticker upang makadaan sa mga pribadong subdivision. Maaari itong gamitin sa Gatchalian Subd., Southville Villages, BF Resorts, TS Cruz, at Almanza upang makarating sa Parañaque City, Muntinlupa City at Molino, Bacoor, Cavite.

Maaaring dumaan doon basta may friendship sticker. Wala itong bayad ayon kay Manuyo Dos  chairman Mark Nery dalhin lang ang Official Receipt at Certi­ficate of Registration (OR/CR) ng inyong sasakyan sa mayor’s office.

Sinasamantala naman ito ng mga tuso para makadelihensiya sa mga nagnanais magka-friendship sticker. Ibinibenta ang mga ito ng P500 hanggang P1,500. Ayon kay Isaac Eugenio, presidente ng United Gatchalian Villages Homeowners Association Inc., malaking problema ang dulot ng mga pekeng friendship sticker sa kanilang association dahil nakakalusot ang mga kawatan.

Kaya ang hiling ni Eugenio, imbestigahan ang pamimeke ng friendship sticker. Nitong nakaraang Nobyembre, magkakasunod na pinasok ng mga kawatan ang 7 bahay sa Gatchalian Subd., at ang pinakahuling biktima ay gina­hasa pa.

Wala namang aksiyon si Las Piñas City chief of Police Col. Segundo Lagundi Jr. kaya dismayado ang homeowners ng Gatchalian. Walang nagpapatrulyang pulis sa gabi kaya nakakalusot ang mga magnanakaw na naka-SUV pa. NCRPO chief BGen. Debold Senas, hambalusin mo si Lagundi at mga pulis niya. Calling Mayor Aguilar, paimbestigahan mo ang naglalabasang pekeng friendship sticker na kumakalat ngayon sa Las Piñas. Abangan!

CYNTHIA VILLAR
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with