Pamamasahero sa NAIA 2 at 3, bow
ORA MISMO - Butch M. Quejada (Pilipino Star Ngayon) - December 16, 2019 - 12:00am

BAHAGYANG binuksan ang kurtina ng mga korap para sa diumano’y operasyon ng human smuggling sa NAIA Terminal 2 at 3?

Bakit?

Sagot - Para marami silang pera ngayong Pasko. Hehehe!

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, may sabwatang nangyayari d’yan sa NAIA T3 kaya tuloy nag-iingay ang hindi naambunan ng pera.

Naku ha!

Totoo kaya ito?

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, hindi biro ang operasyon sa NAIA Terminal 2 at sa umaga naman ang operasyon sa Terminal 3 ng pamamasahero.

Bakit?

Wala pa kasi sa office niya si Timmy Bariso, hepe ng BI-TCEU, kaya naman sinasamantala ng mga hunghang dito ang “human smuggling” operation.

Mahigpit si Timmy kaya takot sila todits baka sila kasuhan ni Mayora kapag nasungkit sila?

Naku ha!

Meron na ba?

“Alam ng mga kamote ang oras ng pasok ni Timmy kaya bago pa ito dumating sa terminal 3 tapos na ang kanilang magic,” sabi ng kuwagong soprano.

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, tatlong kamote from NAIA Terminal 2 ang gunner ng tinaguriang “Palo Gang” pero minalas ang isa dahil sumabit.  Ang dalawa ay inilipat sa NAIA Terminal 3 at dito raw ngayon naghahasik ng lagim.

Totoo kaya ito?

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, isang alyas “Bell Star”, a.k.a “Hesus Maryosep” ang kasab­wat nina alyas “Bote” at “Teklang Ovaryo” sa T2 pero pansamantalang itinigil ang kanilang operasyon nang pumutok at sumabit ang isa sa kasama ng Palo Gang.

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, sina Ogag Bote at Teklang Ovaryo ay inilipat sa T3 para doon naman maghasik ng lagim pero ang kasangga nilang si alyas Bell Star, a.k.a Hesus Maryosep ay hindi ginalaw at inaalagaan daw ni alyas Dennis ‘Pisngi?

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, nagtutulug-tulugan at tumatalikod na lamang ang isang alyas ‘Tinapay’ o si Lady Bread kapag may operasyon sa morning ang mga tiwaling BI sa NAIA T3, para kunwari ay wala itong alam sa pamamasahero dito habang wala pa umano si Timmy.

Naku ha!

Dapat itong kalkalin ni Timmy kung totoo ang balitang ito?

“Nagpapalagan at nag-iingay sa tinaguriang “anak ni Satanas” ang grupong hindi naaambunan pagdating sa money ma-king operation kaya tuloy maingay sa departure area ng T3 lalo’t ngayong magpa-Pasko,” sabi ng kuwagong SP0-10 sa Crame.

Ika nga, sumbungan dito, sumbungan doon, kantahan dito kantahan doon. Hehehe!

Kambiyo issue, umiinit ngayon ang operasyon ni alyas Dennis ‘Pisngi’ sa NAIA T2, dahil kinakatkong nito ang pera galing sa mga sinasalubong nitong Chinese nationals na dumarating sa nasabing lugar.

Sabi nga, sangkatutak ang naiinggit?

“Bukol lahat at naka-tanghod kay ‘Pisngi’ ang mga kasamahan niya lalo’t puno ng mga Chinese nationals ang eroplano from China,” sabi ng kuwagong nanghihingi.

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, dapat na sigurong kalusin si ‘Pisngi’ sa T2 dahil hindi biru-biro ang katiwalian nito dito.

Ika nga, ilang dekada na rin!

Balasahin na ang NAIA T2 at T3, alisin na ang mga sumisira sa bureau.

Ika nga, itapon sila sa kangkungan! Abangan.

NAIA ORA MISMO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with