EDITORYAL - POGO service provider na ‘di-nagbabayad ng tax, ipasara!
(Pilipino Star Ngayon) - December 14, 2019 - 12:00am

DALAWANG malalaking Philippine Offshore Gaming Operator (POGO) service providers na hindi nagbabayad ng tax ang ipinasara ng Bureau of Internal Revenue (BIR). Ang pinakahuling ipinasara ay ang New Oriental Club88 Corp. (NOCC) na nasa Parañaque City. Hindi pa ma-figure ng BIR ang eksaktong tax liabilities ng NOCC pero sinisigurong bilyong piso ang dapat nitong bayaran. Ang NOCC ang may pinakamaraming empleyado na umaabot sa 6,700 na pawang mga Chinese.

Noong nakaraang Setyembre ipinasara rin ang Great Empire Gaming and Amusement Corp. (GEGAC) na nasa Libis, Quezon City. Ipinasara ito dahil sa hindi pagbabayad ng P21.62 billion. Ayon sa BIR, nag-isyu na sila ng 130 notices sa GEGAC pero hindi nagko-comply ang mga ito. Ipinasara rin ang branch ng GEGAC sa Subic at Parañaque City.

Malaki ang kinikita ng pamahalaaan sa mga POGO provider pero malaking problema rin pala ang kahaharapin sapagkat karamihan sa kanila ay hindi nagbabayad ng buwis. Karamihan, hindi nakarehistro sa BIR. Kumikita nang malaki ang mga POGO pero hindi sila nagbabayad ng buwis. Dinadaya nila ang gobyerno.

Tiyak na marami pang POGO provider na ganito rin ang ginagawa. Nakarehistro nga sila sa PAGCOR pero hindi sa BIR. Dapat maging alerto ang BIR sapagkat malaki ang nadadaya sa pamahalaan ng mga pasaway na POGO.

Ayon sa BIR, kumita ang bansa ng P579 million noong 2018 dahil sa ibinayad na buwis ng POGO provider. At ngayong 2019, umabot na sa P789 ang ibinayad na tax sa unang tatlong buwan lang. Sa ibinabayad na tax ng online gambling operators, napopondohan ang mga proyekto ng gobyerno lalo na ang “Build, Build, Build, Program”.

Maganda ito kung nagbabayad nang husto ang POGO provider pero paano kung nandadaya. Paano kung pawang palusot ang mga ito? Nararapat na maging alerto ang BIR kung paano agarang hahabulin ang mga POGO provider. Malaki ang kinikita ng mga ito kaya dapat silang habulin at kung hindi magbayad, dapat isara.

GEGA POGO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with