^

PSN Opinyon

Pasabog ni Leni inaabangan!

BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas - Pilipino Star Ngayon

MAY pasasabugin umano si Vice President at dating Interagency Council on Anti-illegal Drugs (ICAD) chairperson Leni Robredo sa Lunes. Nagsilbi si Robredo ng 19 na araw sa ICAD kaya kahit papaano’y may napulot ito sa naturang ahensiya. Malaki ang hinala ko na nais lamang maglabas ng himutok si Robredo kay Pres. Rod­rigo Duterte. Si Robredo ay itinalaga ni Duterte matapos magkomento ito na pawang mga mahihirap lamang ang napapatay ng kapulisan sa giyera kontra droga. Binigyan siya ng pagkakataon ni Duterte at nakipagpulong sa mga kapulisan at siyempre kay PDEA director general Aaron Aquino at ilang matataas na opisyal ng Duterte administration.

Sa mga unang araw nito ay nararapat lamang naman niyang gawin ito dahil kulang ang kanyang kaalaman sa naturang ahensiya at dapat na maging pamilyar siya sa mga drug operation. Tanggap naman siya sa Philippine Drugs Enforcement Agency (PDEA) at Philippine National Police (PNP) na maging co-chair ng ICAD. Subalit umiba ang turing sa kanya ng mga kaalyado ni Duterte ng pumapalaot na ito sa ICAD at lumampas na siya sa limitasyon ni Duterte. Ang tinutukoy ko ay ang pakikipagpulong ni Robredo sa Human Rigthts Group kabilang na riyan ang kinamumuhian ni Duterte na International Human Rights Commission. Kaya sa isang iglap, sinibak siya sa ICAD.

Sa aking pagkakatanda noong nasa ICAD pa si Robre­do lumamya ang kampanya ng kapulisan at PDEA dala marahil sa nagpapakiramdaman sila o baka naman nataon lang na wala talagang malambat ang mga law enforcers. Hindi naman iyon sinasadya, ‘di ba mga suki? Subalit nang umalis si Robredo sa ICAD, himalang nakalambat agad ang PDEA at Makati Police ng 371 kilong shabu sa isang Chinese National na nagkakahalaga ng P2.5 bilyon.

Grabe itong accomplishment na ipinamalas ng PNP Makati at PDEA di ba mga suki? Nasundan pa ito ng malambat naman sa follow-up operation ng PDEA at Las Piñas Police sina Joel at Merwin Bustamante ng makuhanan ito ng may 17 kilong shabu sa parking lots ng Mall sa may C-5 Extention, Manuyo Dos, Las Piñas City. Malinaw na hindi na kailangan pa si Robredo para makaeskor ang mga otoridad sa mga high value target. Malaking kalituhan kasi ang pananatili ni Robdredo sa ICAD dahil magkakaroon lamang sila ng magkasalungat na pamamalakad ni Aquino. Kasi nga chairman din naman si Aquino sa ICAD at si VP Robredo at co-chair ng may mataas na puwesto sa pamahalaan. Paano siya mauutusan ni Aquino o mapasang-ayon sa isasagawang operasyon kung magkasalungat sila ng paninindigan kontra droga.

Tama naman na may karapatan din naman si Robredo na busisiin ang kampanya kontra droga dahil libu-libo na ang napapatay sa mga operasyon kontra droga. Sa ngayon, ang pangunahing dahilan ng krimen ay droga kaya pangunahing ipinasasawata ni Duterte. Sa ngayon nakakalakad na tayo ng gabi na walang alinlangan sa kapaligiran. Subalit may ilan pa rin akong kaibigan na matitigas ang ulo at ayaw tumigil sa pagtutulak at paggamit ng droga. Kaya sa Lunes sabay-sabay nating abangan ang pagbubulgar ni Robredo sa kanyang natuklasan sa ICAD at sa kampanya kontra droga ng Duterte admin. Gets n’yo mga suki!

vuukle comment

LENI ROBREDO

PDEA

RODRIGO ROA DUTERTE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with