EDITORYAL - Kidnapping cases pataas nang pataas
(Pilipino Star Ngayon) - December 12, 2019 - 12:00am

Mula nang dumagsa sa bansa ang Chinese gambling investors at mga empleyado para sa Philippine Offshore and Gaming Operator (POGO) noong 2017, dumami na ang kaso ng kidnapping. Pawang mga Chinese ang kinikidnap at ang mga nangingidnap ay kababayan din nila. Kadalasang kinikidnap ay mga Chinese na naglaro sa casino. Maraming turistang Chinese na nagtutungo sa bansa ay naiimbitahan ng kanilang kababayan na maglaro sa casino na kapag natalo ay bumabagsak sa “loan sharks”. Kapag hindi nakabayad sa inutang, dito na magsisimula ang pagkidnap.

Nakagugulat ang sinabi ng Philippine National Police (PNP) na biglang pagtaas ng bilang ng kidnapping ngayong taon. Ayon sa Anti-Kidnapping Group ng PNP, mayroon nang 42 kaso ng kidnapping mula Enero hanggang Nobyembre. At pawang ang mga kinikidnap ay Chinese na nagtatrabaho sa POGO at ang ilan naman ay mga nalulong sa sugal sa casino. Ayon pa sa PNP, mayroon na silang naarestong 88 suspects at na-rescue na 29 biktima. Nasa kabuuang 27 kaso ng kidnapping ang kanilang na­lutas.

Noong 2017, umabot sa 17 kaso ng kidnapping ang naitala ng PNP at nakaaresto sila ng 59 suspects. Noong 2018, 16 na kaso ang naitala at naka­aresto sila ng 17 suspects.

Ganunman, kahit maraming naaresto ang PNP, patuloy pa rin ang nangyayaring abduction at walang pagkatakot ang mga suspect. Lantaran kung gawin ang pangingidnap na para bang isang normal na akti­bidad lang para sa mga suspect.

Gaya nang pagkidnap sa isang babaing Chinese sa Makati City noong Lunes ng gabi ng mga kalala­kihang nakasakay sa isang van. Nakilala ang Chinese na si Zhou Mei, 28, isang POGO worker. Kinidnap siya sa Paseo de Roxas St. dakong 9:00 ng gabi. Hanggang sa kasalukuyan, wala pang report ang Makati police sa kinaroroonan ng Chinese.

Nang dumagsa ang mga Chinese sa bansa, lumala ang kidnapping at apektado ang katahimikan. Wala namang ganito dati. Bakit hindi suspendihin ang operasyon ng POGO para matigil na ang kidnap­ping. Maski ang China, kontra sa POGO dahil na­lu­lulong ang kanilang mamamayan sa sugal. Bakit hindi pa ito itigil?

POGO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with