^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Peace talk uli? ‘Wag nang maglokohan

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL - Peace talk uli? �Wag nang maglokohan

BUKAS na uli si President Duterte na mag-usap sila ni Communist Party of the Philippines (CPP) founding chairman Jose Maria Sison. Inatasan niya si Labor Sec. Silvestre Bello III na magtungo sa Netherlands para kausapin si Sison tungkol sa usapang pangkapayapaan. Gusto ng Presidente na rito ganapin sa Pilipinas ang pag-uusap. Pero hindi pa man nauumpisahan ang pag-uusap, mayroon agad hirit si Sison na imposibleng gawin dito sa bansa ang pag-uusap. Kailangan daw ay sa isang neutral na bansa gawin ang pag-uusap. Dapat din daw na mag-adopt muna ng goodwill measures si Duterte gaya nang pagpapalaya sa mga political prisoners lalo at panahon ng Pasko at Bagong Taon.

Bagsak na agad! Wala nang aasahan sa peace talk. Huwag na sanang maglokohan pa ang dalawang panig. Manindigan na ang gobyerno sa naunang sinabi na wala nang pakikipag-usap sa grupo ni Sison.

Mag-uusap na sana ang gobyerno at CPP sa Oslo, Norway noong Hunyo 28, 2018 pero kinansela ni Duterte at sinabing rerebyuhin muna ang mga peace accords na naunang pinagkasunduan. Nagalit si Sison sa ginawang pagkansela at nagkasunud-sunod na ang kanilang palitan ng mga maaanghang na salita. Sabi ni Sison, himala na lamang ang makaka­pagsalba sa usapang pangkapayapaan. Marami rin daw dapat burahin si Duterte sa mga inisyu nitong kautusan bago sila bumalik sa usapan. Ayon kay Sison, dapat alisin ang Proclamation No. 360 at Proclamation No. 374. Ang Proclamation 360 ay nag­kakansela sa negosasyon noong Nob. 23, 2017 samantalang ang No. 374 ay nagdedeklara sa CPP at New People’s Army (NPA) na teroristang grupo.

Pero matigas si Duterte at sinabihan si Sison na umuwi sa Pilipinas at dito sila mag-usap. Bakit daw sa ibang bansa sila mag-uusap gayung ang pag-uusapan ay tungkol sa Pilipinas at mamamayan. Hindi raw siya papayag na sa ibang bansa gawin ang peace talks.

Walang mangyayari sa balak ng gobyerno na pakikipag-peace talk muli sa CPP. Himala ang kaila­ngan dito para matuloy. Mahirap nang magkasundo. Mas maganda pa kung ang pursigihing kausapin ng gobyerno ay mga lider ng NPA. Kung ang NPA at gobyerno ang magkakaunawaan, talsik na si Sison. Bakit hindi ito ang subukan ni Bello kaysa magtungo siya sa Netherlands na gagastos pa?

vuukle comment

CPP

NPA

RODRIGO ROA DUTERTE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with