Dragon Wu drug syndicato nasungkit ng NAIA-BI
ORA MISMO - Butch M. Quejada (Pilipino Star Ngayon) - December 11, 2019 - 12:00am

Dinakip ng mga tauhan ng Bureau of Immigration sa NAIA ang isang Chinese national na miyembro ng isang mala­king sindikato ng droga habang tinatangka nitong umalis ng Philippines my Philippines.

Ikinuento ni Erwin Ortanez, hepe ng BI-Interpol ang 29-year-old na si Hong Liangyi ay pinigil na makasakay ng eroplano sa departure area ng NAIA terminal 3 patungong Istanbul, Turkey bago sa final destination nito sa Tehran, Iran.

Ayon kay Ortanez,  si Hong ay hinarang sa NAIA matapos mapag-alaman na kasama ito sa listahan ng may arrest warrant kaugnay sa kasong illegal drugs na isinampa laban sa kanya sa mga korte ng Cavite at Batangas.

Si Hong ay nasa pangangalaga na ng PDEA. Sinasabing miembro ito ng Dragon Wu International syndicate na responsable sa paggawa at pagpapakalat ng iligal na droga.

Nauna nang nagpalabas ng hold departure order (HDO) ang Tagaytay City regional trial court laban (RTC) kay Hong at dalawang kasama nito dahil sa nakabinbing kasong kriminal.

Bukod pa dito, isang hiwalay na kaso ng droga pa rin ang isinampa laban kay Hong at sa 13 iba pang mga drug suspect, bago naman maglabas ng arrest warrant ang regional trial court ng Rosario, Batangas na nagresulta sa pagkaka-aresto ng mga dayuhan last June.

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, ang Dragon Wu syndicate ang nasa likod ng mga natuklasang Shabu laboratory na sinalakay ng mga autoridad sa ilang lugar sa atin.

Buti naman nahuli ang kamote!

Imbitado kayo ni Don Ramon 

PINABABATI ni Don Ramon Ignacio ang dalawang apo nito na magdiriwang ng kanilang kaarawan.

Iniimbitahan ni Don Ramon ang kanyang malalapit na mga kaibigan para dumalo sa birthday ng kanyang mga apo na sina Beatriz Apple Francisco at Monique Ignacio.

Gusto ni Don Ramon na magsipunta o dumalo ang kanyang mga kaibigan sa kaarawan ng kanyang dalawang apo.

Abangan.

BUREAU OF IMMIGRATION SA NAIA DON RAMON IGNACIO ERWIN ORTANEZ
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with