^

PSN Opinyon

EDITORYA l – ‘Water jeepneys’sagot sa trapik

Pilipino Star Ngayon
EDITORYA l � �Water jeepneys�sagot sa trapik

KAHAPON nagsimula ang operasyon ng “water jeepneys” makaraang ilunsad noong Linggo. Ang “water jeepneys” ay bibiyahe mula Cavite City patungong Cultural Center of the Philippines (CCP) fort at deretso sa Liwasang Bonifacio sa Maynila. Inilunsad ito ng Department of Transportation sa pakikipagtulungan ng dalawang shipping companies – Seaborne Shipping Co. Inc. at ng Shogun Shipping Co. Inc. Ayon kay DOTr Sec. Arthur Tugade, ang “water jeepneys” ang sagot sa nararanasang trapik sa kasalu­kuyan. Magkakaroon ng alternatibong paraan ng pag­biyahe ang mga nakatira sa Cavite patungong Maynila.

Kapaki-pakinabang ang “water jeepneys” sapag­kat ang 3 hanggang 4 na oras na biyahe mula Cavite patungong Maynila ay magiging 20 minutes na lamang. Ang regular fare ng “water jeepneys” ay P200. Mag-o-operate ang “water jeepneys” mula 5:15 ng umaga hanggang 7:45 ng gabi.

Sa kasalukuyan, grabe na ang nararanasang trapik sa Metro Manila at maaari pang lumubha nga­yong Pasko kaya malaking tulong sa commuters ang “water jeepneys”. Iwas na sa trapik ay mabilis pa.

Sana pagtuunan din ng DOTr ang pagpapasigla sa Pasig River ferry system. Magandang alternatibo ang ferry at malaki ang maitutulong sa panahon nga­yon na pinuproblema nang mamamayan kung paano makararating sa kanilang trabaho o eskuwelahan dahil sa trapik. Ayon sa pag-aaral, bilyong piso ang nasasayang bawat araw dahil sa trapik.

Noong nakaraang Oktubre may proposal na buhayin ang operasyon ng Pasig Ferry. Sa kasalukuyan, may 14 na stations ang Pasig Ferry pero 11 lamang ang operational. Napagsisilbihan nito ang commu­ters mula Maynila, Mandaluyong, Makati at Pasig.

Sa aming paniwala, mahihikayat ang mga tao na sumakay sa ferry kung lilinisin muna ang maruming Pasig River. Sino ba naman ang gaganahang suma­kay sa ferry kung nakakasulasok ang amoy ng ilog? Ma­rami ang hindi tatagal sa makabaliktad-sikmurang amoy ng tubig. Isa pang problema ay ang mga ginagawa ng mga nakatira sa pampang ng Pasig River na hinahagisan ng dumi ng tao ang dumaraang ferry.

Linisin muna ang ilog para maging kaaya-aya at mahikayat ang mga tao na sumakay dito. Protektahan din sila sa mga salaulang nakatira sa pampang. Katulad ng “water jeepneys” epektibong alternatibo ang Pasig ferry para madaling makarating sa patutunguhan.

vuukle comment

WATER JEEPNEYS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with