^

PSN Opinyon

Gen. Danao, aksiyunan mo ang reklamo kay Lt. Col. Gaoiran

BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas - Pilipino Star Ngayon

NAPAG-ALAMAN ko na sobrang busy raw ngayon ni Lt. Col. Rexhper Gaoiran, police chief Rodriguez, Rizal. Kaya hindi siya dapat gambalain ng mga residente roon. Ayon sa natanggap kong info, hindi siya abala para ipa­sara ang peryahan ni Boy Life sa Riverside sa Bgy. San Jose, kundi para pabulaanan ang akusasyon ng mga tauhan niya na lumabas sa column na ito noong Sabado. Nalaman ko na sa 134 na tauhan niya, lima na ang nahikayat ni Gaoiran na pabulaanan ang reklamo sa kanya, kasama riyan ang kanyang bagman na si Sgt. Silva.

Para hindi ako maakusahan na may kinikilingan, puwede kong ilabas ang panig ni Gaoiran sa kolum na ito. Pero dapat magsagawa muna ng sariling imbestigasyon si Calabarzon police director Brig. Gen. Vicente Danao para malaman niya ang problema at nang maaksiyunan agad bago lumala ang sitwasyon sa Rodriguez. Ang talo rito ay ang mamamayan dahil kapag demoralisado ang kapulisan, mawawala ang tinatawag na public service, ‘di ba PNP OIC Lt. Gen. Archie Gamboa Sir? Sana maayos kaagad ang gusot na ito. Malaki ang paniwala ko na aaksyunan agad ito ni Danao dahil noong nasa Manila Police District pa siya, simbilis ng kidlat kung umaksyon lalo na kung mga pulis ang pumapalpak.

Isama na rin ni Danao ang reklamo ng mga residente na kaya hindi maipasara ang peryahan ni Boy Life ay dahil ipinagmamalaki nito na kumpare niya si Gaoiran. Sa apat na buwan ni Gaoiran sa puwesto, nakabili ito ng bagong Mitsubishi Montero. Dati, lumang Toyota Revo ang gamit niya. Aalamin ni Danao kung totoo ang bintang ng mga tauhan ni Gaoiran na binubulsa nito ang mga nakalaang budget para sa kanila. Isama na ni Danao sa imbestigasyon kung nagagastos sa trabaho ng MOEE na ipinamamahagi sa mga hepe ng pulisya. Ang budget galing sa munisipyo na kinukuha ni Sgt. Silva ay si Mayor Tomtom Hernandez lang ang puwedeng makialam. Ang diesel at iba pang allowances na galing sa PRO4-A ay si Danao ang may pakialam.

Ang balita ko, nagkagulo sa Rodriguez police matapos maibulgar sa kolum na ito ang hinaing ng mga tauhan ni Gaoiran. Hindi na raw Montero ang gamit ni Gaoiran sa ngayon kundi Revo. Si Boy Life naman ay patuloy namang nag-ooperate at ewan ko lang kung kayang ipasara ni Gaoiran ang negosyo ng kumpare niya. Bukas ang pahinang ito sa mga kasagutan ni Gaoiran sa mga ipinupukol na reklamo sa kanya.

* * *

Sa pagtatapos ng SEA Games bukas, taas-noo ang sambayanang Pilipino matapos na lampasan ang dating record na 112 gold medals ng 2005. Sa kasalukuyan umabot na sa 115 medalya ginto ang nasungkit ng ating mga atleta bukod pa riyan ang silver at bronze at siguradong pag-uusapan na naman ito sa buong mundo. Purihin natin ang mga magigiting na manlalaro na nagpursiging iangat ang Pilipinas. Palakpakan natin sila!

vuukle comment

REXHPER GAOIRAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with