EDITORYAL - Plastics, bawal na sa QC
(Pilipino Star Ngayon) - December 9, 2019 - 12:00am

ANG Quezon City ang unang lungsod sa Metro Manila na nagpasa ng ordinansa na nagbabawal sa single-use plastics. Sa susunod na taon, epektibo na ang batas. Hindi na papayagan ang paggamit ng plastics at kabilang dito ang mga supot at shopping bags na ginagamit sa mga supermarket. Sabi ni QC Mayor Joy Belmonte, kabilang din sa ipagbabawal ay paggamit ng utensils na gawa sa plastic, katulad ng mga straws, foils at wrappers ng pagkain. Ayon kay Belmonte, dalawang ordinansa ang ipinasa noong nakaraang Oktubre na nagbabawal sa single-use plastics. Magsisimula umano ang ban sa Pebrero 2020.

Maganda ang hakbang na ito ng Quezon City. Ka­ilangan ay may isang lungsod na manguna para ipag­bawal ang single-use plastics. Kung walang mag­­sisimula, patuloy ang paggamit ng plastics at wala nang katapusan ang pagbaha sa Metro Manila at pagkasira ng kapaligiran. Lahat ng mga plastics na itinapon, kabilang ang sachet ng 3-in-1 coffee, catsup, shampoo, toothpaste at marami pa ay bumabara sa mga drainage at tumatagal doon dahil hindi nabubulok ang mga ito. Forever ang problema sa mga single-use plastics. Napakamakabuluhan ang hakbang na ito ni Belmonte. Dito magsisimula ang paglaya ng lungsod sa paggamit ng plastic, na napatunayang banta sa pagkasira ng kapaligiran. Nararapat gayahin ng iba pang lungsod ang sisimulang pakikipag­laban ng QC sa single-use plastics.

Ayon sa environmental groups tinatayang 59.7 bil­yong sachets ang umaapaw sa mga estero sa Metro Manila. Malulunod ang mga residente sa basurang plastic sachets. Hindi lamang pagbaha ang dulot ng mga basurang plastic kundi banta rin ang mga ito sa buhay ng mga lamandagat. Dahil sa maling pagtatapon ng basurang plastic, humahantong sa dagat at nakakain ng mga balyena. Ilang balyena na ang sumadsad sa dalampasigan at namatay. Nang buksan ang kanilang tiyan, nakita sa bituka ang mga plastic na basura na kanilang ikinamatay.

Magkaroon ng ordinansa ang bawat lungsod na nagbabawal sa single-use plastic. Tularan ang QC. Magkaisa para maisalba ang kapaligiran. Ito na ang simula para maging plastic-free ang bansa.

JOY BELMONTE QUEZON CITY
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with