Grupong makakaliwa puro dakdak lang
AKSYON NGAYON - Al G. Pedroche (Pilipino Star Ngayon) - December 7, 2019 - 12:00am

Tinutuligsa ng maka-Kaliwang sektor ang planong pagtatayo ng Kaliwa Dam sa Angat. Pulus batikos lang sila sa modernong programa sa transportasyon, LRT/MRT, ang isyu sa West Philippine Sea, pati na ang nakaambang pagtaas ng kontribusyon ng mga miyembro ng SSS. Walang pinalalampas na isyu, may masabi lang. Kaso, puro dakdak at walang mairekomendang solusyon!

Kinuwestyon ng dating kongresman at pinuno ng Bayan Muna Neri Colmenares ang awarding ng kontrata sa ‘nag-iisang bidder’ na supplier ng aabot sa 1,200 megawat na enerhiya. Aniya, kapag ginawa ito, tataas ang singil sa kuryente sa susunod na 20 taon. Matagal nang tutol ang mga makakaliwa sa planong pagtatayo ng coal-fired power plants. Masama raw sa kalikasan at hadlang sa kaunlaran.

Kamakailan, nag-isyu uli ng yellow alert ang National Grid Corporation sa Luzon sa loob ng dalawang magkasunod na araw. Umaabot na sa 45 ang yellow alert na ini­labas sa loob ng buong taon, mas marami pa kung ikukumpara sa 39 yellow alerts mula nang umupo sa puwesto si Pangulong Duterte. May mga pribadong kumpanya ang nakakuha ng permiso sa Energy Regulatory Commission para makapagtayo ng bagong planta ng kuryente. Isa rito ang planta ng kuryente sa Mauban, Quezon na pinasina­yahan ng President kamakailan. Ito’y para tugunan ang panga­ngailangan ng elektrisidad sa Luzon.

Ngunit ang kailangang kuryente ng Luzon grid ay mas malaki kaysa maibibigay ng planta sa Mauban na aabot lang sa 650MW o 4 na porsiyente lang ng kabuuang panga­nga­ilangan ng Luzon grid. Anang NEDA, ang demand sa kur­yente ay lalago sa 4.9 porsiyento hanggang 2040 kung ang datos sa paglago ng ating ekonomiya ang pagbabasehan.

Ayon sa DOE, kailangan ng bansa ng 43,765 MW ng kuryente para sumapat sa paglago ng ekonomiya. Dahil dito, kinakailangan magtayo ang bansa ng modernong planta na environment friendly. Hindi madaling magtayo ng makabagong planta ng kuryente. Aabot sa limang taon bago makapagtayo ng planta.

Inuuna ng mga leftists ang sariling interes. Hindi sila naniniwala na mas malaki ang benepisyo para sa mga konsyumer kung mayroong sapat tayong enerhiya sa bansa. Bababa ang singil sa kuryente, na siyang pangunahing adhikain ng kasalukuyang administrasyon, kung masisiguro nating patuloy ang supply ng  kuryente sa bansa dahil sa mga makabagong planta na dapat sana ay naitayo kung hindi sa patuloy na pagtutol ng mga makakaliwang grupo.

Ang katotohanan dahil sa patuloy na pagkumpleto ng mga imprastrakturang proyekto ng Build Build Build na program ng gobyerno, lalong numinipis ang suplay ng kuryente. Kailangan magtulungan ang pampubliko at pribadong sektor para mapunan ang pangangailangang enerhiya ng bansa sa mga susunod na taon.

 

ANGAT DAM
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with