Rodriguez police chief boss na boss ang dating!
BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas (Pilipino Star Ngayon) - December 7, 2019 - 12:00am

Dapat imbestigahan ni Calabarzon Police Director Brig. Gen. Vicente Danao Jr., ang reklamo ng mga pulis sa Rodriguez, Rizal laban sa hepe nila na si Lt. Col. Rexhper Gaoiran. Sinosolo umano ni Gaoiran ang budget galing sa munisipyo. Boss na boss din daw ang dating ni Gaoiran­. Maging pagbukas ng kuwarto at pinto ng kotse ay kaila­ngan pulis pa ang gumawa. Kapag hindi ito ginawa ng pulis, mura ang aabutin. Sa ngayon, hinihingan ng bata ni Gaoiran na si S/Sgt. Silva ng P1,000 ang bawat pulis para sa Christmas party nila. Tanong nila, saan napupunta­ ang budget galing sa munisipyo nila? Pati budget nila noong Undas na P150,000 ay nawala rin. Pati isyu nilang diesel ay nawala rin. Kung walang budget sa pagkain, diesel at iba pa, paano ang kampanya nila laban sa kriminalidad? Sabi ng mga suki ko sa Rodriguez, dumarami ang krimen na likha ng riding in tandem sa kanilang lugar. Sana imbes­tigahan kaagad ito ni Danao at para magkaroon din ng pagkataon si Gaoiran na linisin ang kanyang pangalan. Nagyayabang din daw si Gaoiran na hindi siya mare-relieve dahil malakas kay RD. Silipin din ni Danao ang pasugalan ni Boy Life sa Riverside sa Bgy. San Jose dahil palabigasan umano ito ni Gaoiran. Kilos, General Danao at baka ang kandidatura mo sa pagka-PNP chief ay madungisan.

* * *

Ang Tabacao National High School ng Tabacao, Tala­vera, Nueva Ecija ay magsasagawa ng CPR mass training sa Disyembre 9, 2019. Sasailalim sa Cardio Pulmonary Resuscitation (CPR) ang mga mag-aaral, guro, Sangguniang Barangay at Sangguniang Kabataan ng Tabacao, Talavera alinsunod sa Basic Life Support Training in Schools Act. Suportado ito ng punong guro na si Ginoong Gerardo Protacio Vicencio at Teacher Cindy Abergas Domingo sa pakikipagtulungan ng Philippine Heart Association, Mayor Nerivi Santos Martinez, Governor Oyie Umali, at Bgy. Captain Roniel S. Serrano. Sa pagsasanay, ituturo ang pagbibigay ng CPR na maaring matandaan sa pamamagitan ng tatlong C (Check, Call for Help at Compress). Ang atake sa puso ay madalas nangyayari sa labas ng bahay at ang pagkakaroon ng kaalaman sa first aid tungkol sa CPR ay makapagliligtas ng buhay.

RODRIGUEZ PULIS
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with