^

PSN Opinyon

Tulungan, mga biktima ng Bagyong Tisoy sa Oriental Mindoro

Pilipino Star Ngayon

Nananawagan po ako sa pamahalaan na tulungan ang mga nasalanta ng bagyo sa mga bayan sa Oriental Mindoro gaya ng Pinamalayan, Gloria, Naujan at Socorro. Nakakaawa naman po ang mga residente na nawalan ng tahanan. Mahihirapan po silang makabangon dahil maraming pananim ang nasira. Halos lahat ng punong saging, niyog at iba pang pananim na pinagkukunan ng ikabubuhay ay nasira. Hindi malaman ng mga residente kung paano maibabalik sa normal ang buhay makaraan ang malaking pagsubok na dumaan.

Dalawa po ang namatay sa Pinamalayan sa nangyaring bagyo na pinakamalakas na tumama sa nasabing bayan. Kahit po naghanda ang mga residente ay talaga namang hindi umubra sa lakas ng hangin na halos ayaw tumigil. Hihina sandali at saka lalakas na naman. Talaga pong wala na kaming ginawa kundi ang magdasal na sana ay tumigil na ang bagyo.

Sa kabila nang matinding kalamidad na dumating, marami pa rin ang nagpapasalamat at hindi na nadagdagan ang nasawi. Mabait pa rin ang Diyos.

Ang kahilingan po nang maraming biktima ay matulungan sila para makapagsimulang muli. Marami pong salamat. -Jean H. Castro, Pinamalayan, Or. Mindoro

vuukle comment

BAGYONG TISOY

ORIENTAL MINDORO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with