Hindi humihingi ng donasyon o pamasko ang BITAG!
BITAG - Ben Tulfo (Pilipino Star Ngayon) - December 6, 2019 - 12:00am

SUNUD-SUNOD na ang report na dumarating sa aking­ tanggapan na umano’y nagso-solicit o humihingi ng do­nasyon o pamasko ang BITAG.

Ako raw, si Ben Tulfo at mga staff ng BITAG ay tumatawag sa iba’t ibang ahensiya ng gobyerno mula Luzon, Visayas hanggang Mindanao.

Humihingi raw kami ng pera, regalo at pagkain, pangu­nahin na ang lechon para daw sa aming Christmas party ngayong buwan na ito.

Sa kolum na ito, lilinawin ko at magbibigay ako ng babala. WALANG Christmas Party o anumang salu-salong isasagawa ang BITAG Media Unlimited Inc. (BMUI) o BITAG Multimedia Network (BMN).

Ngayong 2019, kami sa BITAG ang magbabahagi ng kasiyahan at pagpapala sa isang charity organization na aming napili.

Ito’y bilang pasasalamat sa Diyos sa buong taong paggabay, pagbibigay kalakasan at grasya sa aming kompanya. 

Tuluy-tuloy na naisakatuparan ng BITAG ang aming adbokasiyang tumulong sa mga nangangailangan ng walang bayad. Hindi rin kami pinopondohan at pasahurin ng gobyerno o sinumang politiko.

Uulitin ko, HINDI kami humihingi ng donasyon kahit kanino at HINDING-HINDI kami tumatawag sa mga tang­gapan ng gobyerno at pulitiko para sa aktibidades na ito.

Kuwidaw ang lahat ng tanggapan ng pamahalaan at maging sa mga pribado. Oras na may tumawag at magpanggap na Ben Tulfo o mga staff ng BITAG, ipag­bigay alam agad sa amin.

Tumawag sa mga numerong 8281-4251, 8281-4256 at 8281-4257. Maaaring mag-email sa bitagpambansangsumbungan@gmail.com o magmensahe sa mga facebook pages ng BITAG; BITAG Live, BITAG Multimedia Network, Ben Tulfo Unfiltered at Pambansang Sumbungan, Aksiyon Ora Mismo.

Ilalantad namin ang mga patay-gutom na ginagamit ang pangalan ng BITAG para makapangotong!

BITAG MULTIMEDIA NETWORK
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with