Napaghandaan si Tisoy
K KA LANG? - Korina Sanchez (Pilipino Star Ngayon) - December 6, 2019 - 12:00am

ANG Bagyong Tisoy ang pinakamalakas na bagyong tumama sa bansa ngayong taon na ikinamatay ng 17 katao. Nanalasa ito sa Bicol, Quezon, Marinduque, Mindoro provinces, Romblon, Batangas at Laguna. Ma­raming bahay ang nawasak. Maraming pananim ang nasira. Hanggang sa kasalukuyan, wala pang kuryente sa mga sinalantang lugar.

Sa Metro Manila, nakaranas ng malakas na ulan pero hindi ito tumagal. Isinara ang Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ng 12 oras. Maraming flight ang kanselado dahil sa bagyo. Hindi pinayagang lu­mayag ng Philippine Coast Guard ang anumang barko. Mabuti at natuto na rin ang marami. Marami ang sumunod sa paglikas ng gobyerno sa mga nani­ni­rahan malapit sa baybayin. Napaghandaan kahit pa­paano. Walang may gustong maulit ang naganap noong Yolanda.

Nalagyan nang maraming tubig ang Angat Dam dahil sa Bagyong Tisoy. Mabuti naman. Nakansela naman ang ilang laro dahil sa bagyo. Walang pasok para sa karamihan sa Metro Manila at ibang karatig na lugar. Bagama’t handa na raw lahat para sa bagyo, mabuti na rin ang maingat, at bisita natin ang lahat ng dele­gasyon mula sa iba’t ibang bansa. Masasabi na rin nila na nakaranas sila ng bagyo sa Pilipinas, bukod sa iba’t ibang karanasan at alaalang nakukuha nila habang nasa bansa. May kumain kaya ng balut, kung may hinanda? Nakasakay kaya ng tricycle? Sinubukan kaya ang MRT?

Sana ay ito na ang huling bagyo para sa 2019. Malapit na ang selebrasyon ng Pasko na kilalang pinakamahaba sa mundo. Lumamig lang sana ang panahon na walang dalang ulan o malakas na hangin, para dagdag na rin iyan sa kapaligiran ng panahon.

BAGYONG TISOY
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with