Labanan na!
K KA LANG? - Korina Sanchez (Pilipino Star Ngayon) - December 3, 2019 - 12:00am

NAGANAP ang opening ceremony ng SEA Games sa Philippine Arena sa Bulacan noong Sabado. Maganda ang seremonya kung saan ang iba’t ibang kultura ng Pilipino ang ipinakita. Malinaw na ginastusan batay sa dami ng tagapalabas, kasuotan at entablado.

May ilang kilalang kumanta at sumayaw. Pero nang lumabas na ang mga atleta ng bansa -- sa tugtog ng “Manila”, ipinakita ng mga nanood sa Philippine Arena kung sino ang kanilang sinusuportahan. Lahat naman ng nanood sa TV ay tiyak na nagbigay din ng suporta sa “home team”, ika nga.

Kapansin-pansin na hindi nawala ang selfie mula sa delegasyon ng iba’t ibang bansang nakilahok sa SEA Games habang pumaparada sa entablado. Nasindihan na rin ang kontrobersiyal na kaldero bagama’t sa New Clark City ito nakatayo kung saan karamihan din ng mga atleta ay maninirahan habang nasa bansa.

Maganda rin ang fireworks display na ginanap sa Clark. Mabuti rin at walang naganap na aberya. Inaasahan na sa susunod na 10 araw ay wala ring mangyaya-ring problema, para mapag-usapan sa rehiyon ang tagumpay ng SEA Games.

Binabantayan din ang Bagyong Tisoy. Ang unang tatamaan ni Tisoy ay ang Bicol, pero mukhang magtutuloy sa Metro Manila sa Martes. Ayon sa mga organizer ng SEA Games, handa na rin sila kung sakaling dumaan nga ang bagyo sa Manila. Sana nga. Ang kaligtasan ng ating mga bisita ang mahalaga.

Hindi maiiwasang pansamantalang makansela ang mga laro na gaganapin pero kapag gumanda na ang panahon, magpapatuloy ang mga ito.

SEA GAMES
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with