Bahayan gigibain para sa subway
SAPOL - Jarius Bondoc (Pilipino Star Ngayon) - December 3, 2019 - 12:00am

SINO ba ang ayaw sa progreso? Natural pabor ang madla sa Metro Manila subway na walong bagon kada tren na humaharurot nang 80 kph. Parang mga modernong riles sa Japan, China, Korea, at Singapore. Makakabawas ng trapik sa siyudad. Mapapabilis ang biyahe.

Pero kung basta ka lang palalayasin sa bahay at lupa mo para magbigay-daan sa subway, kokontra ka. ‘Yan ang ginagawa ng mga taga-Brgy. San Martin de Porres, Parañaque, na binulabog ng kalatas na kukunin ng gobyerno ang mga bahayan at tindahan para sa isang umano’y “Bicutan station”. Wala sa mga dating inanunsiyong istasyon ang Bicutan. Ang mga press release ng DOTr mula 2017 ay sa malawak na Food Terminal Inc. sa Taguig, isang kilometro mula sa kanila. Pero ngayon dadaanan daw sila ng common station ng subway at ng PNR Calamba-Tutuban commuter train.

Hindi dapat guluhin ang mga nananahimik na subdivisions sa San Martin de Porres. Patakaran ng DOTr na hangga’t maaari ay iwasan ang perhuwisyo sa komunidad. Kaya nga karamihan ng subway stations sa Quezon, Pasig, Makati, at Bonifacio Global Cities ay sa lupa ng gobyerno itatayo. E dito sa gilid ng San Martin merong tatlong malalaking lote ng gobyerno na pwedeng alternatibong site ng istasyon. Walang rason para gumasta ang gobyerno ng bilyong piso sa pagbili ng mga bahay at lupa.

Kakaiba rin ang ginawang paraan sa pagpapaalam ng proyekto sa apektadong komunidad. Dumiretso ang isang subconsultant ng DOTr sa mga indibidwal na home-owners para sabihan tungkol sa expropriation. Pero ayon sa Local Government Code dapat ay idaan sa city council, na siyang maghi-hearing kung katanggap-tanggap ang bulabog sa komunidad. Bukod sa talsik-bahay, ang subway ay magdudulot ng usok, init, ingay, dumi, yugyog ng lupa, polusyon, basura, at trapik.

* * *

Makinig sa Sapol, Sabado, 8-10 ng umaga, DWIZ (882-AM).

METRO MANILA SUBWAY
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with