^

PSN Opinyon

Congratulations Pinoy athletes!

BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas - Pilipino Star Ngayon

HINDI matatawaran ang ipinakikitang gilas ng mga atletang Pinoy. Habang sinusulat ko ito, nakakapagtala na sila ng 38 gold. Mga suki, ipagdasal pa natin ang pananagumpay ng ating mga atleta.

* * *

Mainit na pagbati kay QCPD Director Brig. Gen. Ronnie Montejo sa kanyang promotion. Kaagapay siya ni Mayor Joy Belmonte sa paglilinis ng obstructions sa Quezon City. Hindi na nakapagtataka kung ma-promote siya dahil masipag si Montejo. Subalit habang abala sila ni Belmonte sa paglilinis sa QC, nagsulputan naman ang sugal-lupa. Kung hindi masasawata ni Montejo ang mga sugal-lupa, baka ma-bad shot siya kay NCRPO chief Brig. Gen. Debold Sinas. Ipinagyayabang pa naman ni Sinas na “no take” policy siya sa pasugalan. Hindi maganda kung mapupuno ng sugal-lupa ang QC.

Sabi ng mga suki ko, ang paboritong laro ng mga taga-QC ay lotteng, EZ2 at ending sa basketball. Ayon sa mga residente, nagyayabang ang gambling lords na hindi sila kayang bigwasan ni Montejo dahil meron silang parating. Para sa kaalaman ni Montejo, ang namamayagpag na gambling lords sa QC ay sina Bobby Sarmiento, Cynthia Fajardo, Pinong, Carlo, Bobby Miras, Dodong Badiang, at alyas Rose. Si Sarmiento ay nakabase sa Gulod St., Kalayaan B, Batasan Hills; si Fajardo sa Senatorial St., Batasan Hills din; si Badiang alyas Dodong Mendez sa Luzon Baesa at si Rose ay sa Bagbag, Novaliches. Hayan, General Montejo, latiguhin mo na ang gambling lords na binanggit ko.

Nasubaybayan ko si Montejo noong provincial director pa siya ng Laguna hanggang maging staff ni Brig. Gen. Rolando Anduyan sa NPD. Tinawag ni Anduyan na “snappy” si Montejo dahil puro trabaho ang inaasikaso nito. Kaya kung mataas ang tingin ni Anduyan kay Montejo, walang dahilan na magpakaang-kaang siya sa kampanya laban sa illegal gambling. Sana huwag puro “hingi-huli” ang solusyon niya. Abangan.

vuukle comment

JOY BELMONTE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with