Kinulam daw
IKAW AT ANG BATAS - Atty. Jose C. Sison (Pilipino Star Ngayon) - December 3, 2019 - 12:00am

(Ika-2 bahagi)

KINASUHAN sina Miguel at Ramon para sa krimen ng murder dahil sa walang awang pagpatay kay Maria. Tatlong testigo ang inihain ng prosekusyon kasama na si Mang Gimo na nagsalaysay sa korte tungkol sa mga nasaksihan niya. Sa kabilang banda, ang alibi ni Ramon ay naroon daw siya sa bahay ng mga magulang na nasa kabilang bayan noong araw at oras na nangyari ang krimen. Iba naman ang istorya ni Miguel. Malubha raw ang sakit ng asawa niyang si Alma noong panahong iyon. Narinig niya ang mga asong tumatahol at ang mga baboy na nag-iingay sa bakuran. Nang bumaba raw siya, nahuli niya si Aling Maria na tumatakbo palayo. Dahil may reputasyon bilang mangkukulam, hinabol niya ito. Nadapa raw ito at napalugmok kaya niya naabutan. Inamin daw nito na kinulam ang kanyang asawa kaya dinala niya sa bahay ni Konsehal Rez.

Dahil daw kamag-anak, napahiya raw si Konsehal Rez sa ginawa ni Aling Maria kaya ilang beses nitong tinadyakan sa kanang tagiliran ang babae. Inutos pa nga raw ng konsehal kay Miguel na sunduin nito si Mang Gimo. Pagdating ni Mang Gimo sa bahay ng konsehal ay nalaman nito ang ginawa ng misis at sa galit ay pinagtatadyakan din ang babae sa iba’t ibang parte ng katawan. Ayon kay Miguel, noon ginawa ni Konsehal Rez ang salaysay na inaako ni Aling Maria ang anumang responsibilidad kapag namatay ang kanyang asawa.

Hindi naniwala ang korte sa depensa nina Miguel at Ramon. Napatunayan na si Miguel ang pumatay kay Aling Maria at pinarusahan siya sa kasong murder bilang prinsipal. Hinatulan siya ng reclusion perpetua at si Ramon naman bilang kanyang kasabwat ay hinatulan ng pagkabilanggo mula 6 hanggang 12 taon. Pareho silang pinagbabayad ng danyos na P6,000. (Itutuloy)

KINULAM
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with