Land grabber ng Lucban, kilalanin!
BAHALA SI BITAG - Ben Tulfo (Pilipino Star Ngayon) - December 2, 2019 - 12:00am

PITONG magsasaka mula sa Lucban, Quezon ang lumapit sa BITAG Pambansang Sumbungan para magpasaklolo. Ang kanilang mga lupang sinasaka na bigay ng gobyerno, nalalagay sa alanganin dahil sa isang nagngangalang Cesar Luna.

Taong 1996 daw nang pautangin sila ni Luna ng tigsa-sampung libong piso. 

Ang kondisyon, siya raw muna ang magtatago ng titulo ng kanilang mga lupa para ‘di mawala’t manakaw. Ngayong 2019, pilit na raw pinatutubos ni Luna ang bawat titulo sa halagang P600,000! Malinaw ang panlilinlang, panggigipit at tangkang pang-aagaw ng lupa sa sumbong na ito ng mga magsasaka.

Nakipag-ugnayan ang BITAG sa Department of Agrarian Reform (DAR). May anomalya’t pananamantalang nakita ang DAR sa sumbong na ito ng mga magsasaka ng Quezon. Nangako ang ahensiya ng agarang tulong para mabawi ang titulo ng lupa ng mga magsasaka. Ikinasa na rin ng BITAG ang grupong tutukoy sa kinaroroonan ni Cesar Luna.

Matapos iere sa Pambansang Sumbungan ang sumbong ng mga magsasaka, tumawag daw sa kanila si Cesar Luna. Handa na raw siyang ibalik ang titulo ng kanilang mga lupa sa harap mismo ng BITAG.

Kaya nitong Martes, isang grupo ng mga Field Investigators ang pinabiyahe ng BITAG kasama ang mga representante ng DAR sa Lucban, Quezon. Nakipagtulungan na rin ang DAR-Quezon Province para maasistehan ang mga pobreng magsasaka. Subalit pagdating ng aking mga staff sa Lucban, tinaguan ito ni Cesar Luna. Nag-surveillance pa ang aking investigators at nakuha sa aking camera ang kolokoy bago ito pumasok ng bahay. Dalawang araw naglagi ang mga Bitag Field Investigators sa Lucban. Hanggang sa ikalawang araw ay hindi lumabas ng bahay si Cesar Luna.

Cesar Luna, hindi pa rito natatapos ang BITAG.  Sa puntong ito, hindi lang mga magsasaka ang niloko mo kundi pati kami, ginudtaym mo! Kuwidaw na ang estilo mo ng pang-aagaw ng lupa sa mga pobreng magsasaka. Nasa radar ka na ng BITAG at hindi ka namin titigilan hangga’t di naibabalik ang titulo ng mga lupa sa mga may-ari nito.

Panoorin sa BitagOfficial YouTube Channel ang sumbong na ito, “10k utang, bayad 600k! Titulo, kinuha pa!” Kilalanin, mukhaan, ang land grabber ng Lucban, Quezon!

BITAG DAR-QUEZON PROVINCE DEPARTMENT OF AGRARIAN REFORM
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with