Walang kinalaman ang ‘kaibigan’
K KA LANG? - Korina Sanchez (Pilipino Star Ngayon) - November 30, 2019 - 12:00am

Kailangan din nating punahin ang mga magaganda at maayos na nagaganap sa kasalukuyang SEA Games para patas. Isa rito ay ang tinutuluyang Athlete’s Village sa New Clark City. Pinuri at ikinatuwa ng mga atleta at delegasyon mula sa ibang bansa ang magagandang pasilidad, ser­bisyo at ang importante na tila malaking isyu ngayon, maayos na pagkain na maraming pagpipilian. Ito ang masasabing “world-class” na pasilidad para sa mga atleta. Hindi ba mas nakakatuwa kapag pinupuri ng dayuhan ang inihanda mo para sa kanila?

Kaya ano ang masama sa pagiging maayos na punong-abala? Nagsalita na naman kasi si Senate President Tito Sotto kung ano ang gusto natin, maging kampeon o GRO. Hindi naman ang mga atleta natin ang mag-aayos ng transportasyon, tutuluyan at pagkain ng mga bisitang atleta at delegasyon. Ang layunin nga nila ay makipagkum­petensiya at manalo. Layunin nga nila ang maging kampeon, magbigay karangalan sa bansa. Wala na silang kina­laman sa logistics ng buong SEA Games. Layunin iyan ng organizer, ng punong-abala. Mabuti nga at napupuna ang mga problema para maisaayos kaagad. Kung walang pupuna, baka hindi maayos. At tandaan na hindi lang ang mamamayan ang pupuna kundi pati mga bisita.

Sang-ayon ako na may panahon para sa imbestigasyon ng paghanda at pagpatakbo ng SEA Games kapag natapos na ang mga laro. Ngayon pa lang maraming kuwes­tiyon at isyu maliban sa kalderong mahal. Nais ni President Duterte ng report hinggil sa mga problema na naganap at magaganap sa SEA Games at panagutin ang dapat ma­nagot, kung meron. Wala raw kinalaman ang “kaibigan” sa gagawing imbestigasyon ng Palasyo ayon kay Presidential Spokesperson Sal Panelo. Pero sa tingin ko sa kinalaunan­ ay walang mananagot. Pananagutin kaya si House Speaker Allan Cayetano? Mga kaalyado at tagasuporta ng Presidente na itinalaga sa iba’t ibang posisyon? Hintayin na lang natin ang imbistigasyon.

Hindi rin ako magtataka kung sisisihin na naman ng mga organizer ang nakaraang administrasyon o ang mga miyembro ng oposisyon. Baka ang dapat ay tingnan na muna ang sarili bago magturo kung sino ang sisisihin dahi wala naman yatang miyembro ng oposisyon na bahagi ng organizer ng SEA Games. Tulad ng naantalang pagpasa ng budget ng Kamara sa Senado para pag-aralan. Hindi raw kasi nagustuhan ng mga senador ang isiningit na P75 bilyon sa budget. Sa tingin ng marami ay may sapat na panahon para sa punong-abala na paghandaan ang nasabing paligsahan.

Tama na rin ang fake news, tulad ng bandila ng Pilipinas na ginawang mantel ng inilatag na pagkain. Tunay ang litrato pero hindi sa SEA Games naganap. Hindi nakakatulong iyan. Kung totoong balita, sige. Pero huwag naman pekeng balita na ang pakay ay para manira lang.

ATHLETE’S VILLAGE SEA GAMES
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with