PCSO, handa sa PACC investigation
BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas (Pilipino Star Ngayon) - November 30, 2019 - 12:00am

Noong nakaraang Sabado tinalakay ko sa aking kolum na walang mandato ang Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) sa paghuli ng mga ilegalista o mga illegal na sugalan dahil trabaho ito ng Philipine National Police (PNP) at National Bureau of Investigation (NBI). Subalit mga suki, kung ang mga lugar ay may Small Town Lottery (STL) ope­ration tiyak na kikilos ang PCSO para ito sawatain. Ito ang paglilinaw ni PCSO chairwoman Royina Garma.

Kasi nga kung babalewalain lang ito ng PCSO tiyak na maapektuhan ang operation ng PCSO at siguradong ma­laking halaga ang mawawala sa ahensiya at ang yayaman lamang dito ay mga ilegalista na walang naiiaambag na taxes sa kaban ng bayan. Ang masakit pa nito, maraming nangangailangan ng tulong ang maapektuhan. At kaikibat nito nais din ni Garma na maging transparent ang ahensiya kaya bukas siya sa isinasagawang imbestigasyon ng Presidential Anti-Corruption Commission (PACC).

Ayon kay Garma, “The Presidential Anti-Corruption Commission (PACC) investigation on the alleged corruption in the Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) is a welcome development to finally get rid of misfits and ine­quities in the agency. The PCSO management welcomes the initiative of the Presidential Anti-Corruption Commission (PACC) to investigate the alleged involvement of PCSO officials on corruption issues. PCSO upholds transparency in conducting the operations of the Agency” .

Kasi nga naman mga suki, kung inyong natatandaan na naipasara ni President Rodrigo Duterte ang operasyon ng PCSO matapos mairita ito sa alingasngas ng korapsiyon sa ahensiya. Kaya upang maging maayos at matumbok ang di-kanais-nais na iskandalo minamuti na ang PACC na ang magsagawa ng imbestigasyon upang maging malinaw at malinis ang ahensya. Kasi habang may mga agam-agam ng korapsyon na bumabalot sa ahensiya tiyak na tatabangan ang mga tumatangkilik sa PCSO. Get n’yo mga suki?

Sa kasalukuyan kasi mga suki, tuloy pa rin naman ang pag-remit ng tulong sa mga ahensiya ng gobyerno tulad ng CHED na 1 percent ang tinatanggap quarterly. Sa Philippine Red Cross naman ay P10 million yearly at P10 million din sa operation dengue. Sa Dangerous Drugs Board (DDB) naman ay P200,000 na lang para mapunuan nila ang P1 bilyon budget na nakaatang sa PCSO. Nagbigay din ang PCSO ng P23 milyon para sa mga magsasaka sa Cagayan at malaki rin ang ayuda nila sa simbahan at orphanage. Kaya ang masusing imbestigasyon ngayon sa ahensiya ay malaking tulong upang lumabas ang katotohanang kumulapol sa ahensiya.

ILLEGAL NA SUGALAN PCSO PHILIPPINE CHARITY SWEEPSTAKES OFFICE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with