Kanino kaya galit?
K KA LANG? - Korina Sanchez (Pilipino Star Ngayon) - November 29, 2019 - 12:00am

Sinisisi ni House Speaker Alan Peter Cayetano si Sen. Franklin Drilon para sa mga problema, isyu at kapalpakan na nagaganap sa Southeast Asian Games. Si Cayetano ang chairman ng PHISGOC. May pananagutan din daw si Drilon dahil siya raw ang nag-antala sa pagpasa ng budget ng bansa, kabilang ang budget para sa SEA Games. Kaya raw nagaganap ang mga problema.

Pero dinepensahan naman ni Senate President Tito Sotto si Drilon at sinabing ito pa nga ang kumilos para maipasa na ang budget. Ang Lower House ang dapat daw sisihin dahil huling­-huli na raw ipinasa sa Senado ang budget para pag-aralan nang husto. Hindi kasi nagustuhan ng Senado ang bilyong pisong isiningit sa budget. At kung si Cayetano ang chairman ng PHISGOC, hindi ba siya dapat ang managot sa mga problemang nagaganap ngayon na nababalita na sa ibang bansa? Ipinagma­laki na “world class” ang pagiging punong-abala ng Pilipinas sa SEA Games, pati ang ipinagmalaking “cauldron” pero ganito na nga ang nareport na mga problema. May mga hindi pa nga tapos na pasilidad na gagamitin sa SEA Games. Baka ‘yung “cauldron” siguradong hindi papalpak dahil P50 milyon ang ginastos.  

Nagpahayag na nga si Presidential Spokesperson Salvador Panelo na galit daw si President Duterte sa mga nagaganap na kapalpakan. Kanino kaya galit? Magagawan dapat ng paraan ng PHISGOC. Hindi ba kailan lang ay nagpahayag si Duterte na siya, si Sen. Bong Go at Cayetano ang “brightest stars” sa pulitiko ngayon? Ano kaya ang sasabihin kay Caye­tano ngayong nakabalik na mula South Korea? Pero mukhang pinangunahan na nga ni Panelo na walang “pupugutan ng ulo” para sa mga nagaganap na problema kung isa sa mga “brightest stars” ang namumuno ng komite sa SEA Games. Hindi ko rin nakikitang pinagagalitan ni Duterte si Cayetano. Baka hanapan ng ibang mapapagalitan o masisibak. Kung kayang gawan ng paraan ang mga problema ayon kay Panelo, sana gawan na, bago opisyal na magsimula ang mga laro.

ALAN PETER CAYETANO FRANKLIN DRILON SEA GAMES
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with