Tapusin ang SEA Games, ibaon ang intrigahan
ORA MISMO - Butch M. Quejada (Pilipino Star Ngayon) - November 29, 2019 - 12:00am

Siguro mas mainam kung susuportahan na lamang natin ang ‘Team Philippines my Philippines’ sa 30th South East Asian Games para kalmado ang ating mga manlalaro kaysa mga fake news o mga paninirang mga bagay ang inilalabas para masira ang kanilang laro.

Naku ha!

Ano ba ito?

May tsismis na naman na naglalabasan tungkol sa pag­lagak ng public funds sa Philippine Southeast Asian Games Organizing Committee o piso este mali PHISGOC pala, na isang private foundation ay maihahambing­ daw sa pork barrel scam ni Janet Napoles ?

Bakit ganito?

 Maitutulad daw ni Senator Ping Lacson ang paggamit ng pondo para sa SEA Games sa raket ni Napoles?

Hindi ba naman nila alam at kitang-kita ng kanilang dalawang mata ang mga project na ginawa ng PHISGOC ngayong SEA Games.

Sabi nga, bulag ba kayo?

 Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, iba ang raket ni Napoles dahil puro ghost projects ang ginamit sa kanyang private foundation na ikinasabit pa nga ng ilang senador.

Tama ba?

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, ang PHISGOC ay may mga proyektong ipinatupad at paki­kinabangan ng mga athletes na kasali sa SEA Games, maganda ang mga sports facilities 1st in the Philippines my Philippines ang ganitong kagandang venue na ginawa.

Ika nga, world class at olympic standard pa!

Totoong maituturing na private foundation ang PHISGOC pero ang 80% ng mga kasapi nito ay mga government of the Philippines my Philippines officials kaya naman may representasyon sila sa PSC at POC.

Ano sa palagay ninyo?

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, totoo ang mga tirada ni Lacson na P1.5 billion ang inilagay sa PHISGOC pero ipinakita ni Speaker Alan Caye­tano, na chairman ng PHISGOC ang breakdown ng pinag­gastusan nito.

Ano pa ba ang kailangan?

Asan ang resibo? Hehehe!

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, puedeng makakuha ng COA report kung saan dinala ang funding ng SEA Games.

Alam naman ng madlang people na nagkaroon ng delay sa pagpapalabas ng budget para sa SEA Games dahil nagkaroon ng aberya ang Kamara at Senado dahil sa hindi nagkaunawaan sa probisyon sa 2019 national budget.

Tama ba?

Sabi nga, maikling panahon ang nangyari sa paghahanda sa mga facilities at mga kinakailangan sa SEA games.

Ika nga, 6 months lang! 

 Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, hindi naman dapat mabahala si Lacson kasi handang magpa-busisi ang PHISGOC para malaman kung saan ginamit o napunta ang mga ginastos sa SEA Games.

Ika nga, ready sila sa imbestigasyon!

Abangan.

FAKE NEWS
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with