Tama na ang intriga
ORA MISMO - Butch M. Quejada (Pilipino Star Ngayon) - November 27, 2019 - 12:00am

TURUAN dito, turuan doon, sisihan dito at sisihan doon. Ito ngayon ang tila nangyayari sa nag-gisa este mali organizer pala ng 30th Sea Games sa Philippines my Philippines.

Bakit?

Maliit na pagkakamali ay pinalalaki ng mga kritiko at ang gusto pa yata ay ipahiya ang Philippines my Philippines, around the world?

Ano sa palagay ninyo?

Mukhang may gustong itulak para mailayo ang atensiyon ng tunay na kahulugan ng SEA Games.

Alam ninyo bang hindi bago ang nangyaring kapalpakan sa mga international sports na ginagawa dahil malimit may aberyang nangyayari sa mga atleta. 

Sabi nga, walang perfect!

Ang masamang nangyayari sa Philippines my Philippines, ang madlang Pinoy pa mismo ang parang sumisira sa sarili nilang bayan.

Ika nga, sila pa ang naglulubog!

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, normal lang ang may aberya sa mga international sports katulad ng problema sa tsibog at shelter ng mga athletes.

“May mga naririnig ba tayong nagrereklamo sa kanila kapag nasa ibang bansa?” tanong ng kuwagong sawi.

Ika nga, hindi ito biro at bago sa mga atletang mga suma­sali sa mga international competitions.

May mga aberyang nangyayari pero ang mga ito ay mabilis na nasosolusyunan at hindi na dapat pinalalaki pa dahil nalalagay sa kahihiyan ang Philippines my Philippines sana kung sa atin lang nangyayari ito 

“Mukhang nakalimutan yata ‘yong nangyaring food poisoning sa Malaysian SEA Games last 2017,” sabi ng kuwa­gong salamangkero.

Ang best in the west, dapat suportahan ng madlang Pinoy ang mga atleta natin na lalaban sa competition na ito!

Ano sa palagay ninyo?

Pilipinas fight!

Abangan.

Anybody’s race sa CPNP 

ISANG dehadong opisyal sa PNP at too close kay Boss Digong ang malamang makasulot at makasungkit ng puesto bilang kapalit ni dating CPNP Oscar Albayalde na kanyang iniwanan trono?

Sabi nga, si Calabarzon regional director Brig. General Vicente Danao Jr., ng PMA class 91!

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, kung si Danao ang bibiyayaan ni Boss Digong bilang Chief PNP, laglag sa upuan at tiyak maglalaho na ang mga pangarap nina Lt. General Francisco General Gamboa, Lt. General Camilo Cascolan at Major General Guillermo Eleazar.

Ika nga, sayang!

May kanya-kanyang katangian kasi ang mga opisyal na nabanggit pero siempre si Boss Digong ang mamimili ng gusto niyang maging CPNP.

Sabi nga, trust and confidence ang importante!

Sino kaya?

Abangan.

SEA GAMES
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with