^

PSN Opinyon

Artificial intelligence, robots sa peacetime

SAPOL - Jarius Bondoc - Pilipino Star Ngayon

KAHAPON inulat ko ang ilang mga paggamit ng robots at artificial intelligence (AI) sa giyera. Kung tutuusin, mas maraming gamit ang makabagong teknolohiya sa peacetime.

Imbis na mag-deliver ng bomba, tulad ng sa Islamic State sa Syria, ang aerial drones ay magdadala ng pizza o kargamento sa pintuan ng bahay. Imbis na magnetic bombs, ang water drones ay pansaliksik ng kawan ng isda, langis, gas, at iba pang yaman sa ilalim ng dagat.

Ginagamit ang aerial drones sa pagpapastol. Eksakto nitong nabibilang ang mga tupa o baka, binubugaw sila patungong pagkain at tubig, at inilalayo sa ulan at bangin. Ang mga supertankers ay wala nang captain at crew na maaaring kidnapin ng pirata; robots ang nagpapatakbo ng mga higanteng barko sa paligid ng mundo.

Sa America at Europe abante na ang saliksik sa auto­mated cars o kotse na walang tsuper. Navigation aid at AI ang kumikilala ng ruta, maaaring hadlang o mabangga, at traffic signals. Samantala sa 600 lungsod sa China ay nakakaupa na ng bisikleta sa katumbas ng P50 kada oras. Kahit saang bangketa maaari itong hulugan ng bayad mula sa smartphone, sakyan patungong destinasyon, at iwanan para upahan ng kasunod. Hindi mananakaw dahil may locator: madaling matunton. Nauuso na rin ang upa­hang bisikleta sa America at Europe, kung saan may mga metro railcars na wala na ring driver.

At dahil may driverless car at delivery drones, sinasaliksik ngayon ng 16 na magkaribal ang pilotless flying taxis. Dati nang may maliliit na helicopters na pang-isa o dalawang tao lang, pero ang flying taxis ay hanggang apat ang sakay. Vertical ang takeoff at landing, lumilipad nang lampas puno o gusali, at umiiwas sa bunggo at maitim na ulap.

Sa mga lungsod na mahal ang lupa -- Tokyo, San Fran­cisco, Zurich -- nag-iimbento ng munting apartments na robots ang kama, mesa, refrigerator, at cooking range -- na kayang iligpit ang sarili pagkagamit.

vuukle comment
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with