^

PSN Opinyon

SEA Games dangal ng Pinas

AKSYON NGAYON - Al G. Pedroche - Pilipino Star Ngayon

Huwag panghinayangan ang malaking ginastos sa South­east Asian Games. Higit kailanman, kailangan ng Pilipinas ng image building sa harap ng world community. Para sa akin, blessing ang pagkakataon na tayo ang mag­sisilbing host sa gaganaping prestihiyosong torneo. Sa katapusan na ng buwan gaganapin ito at imbes na tuligsain, dapat nating suportahan ito.

Mailalagay sa mapa ng pagkilala ng daigdig ang ating bansa na sa nakalipas na panahon ay naging batbat ng mga negatibong publisidad.

Sa pagkakaalam ko, last priority ng mga organizers ng SEA Games ang Pilipinas pero sa dakong huli, tayo pa rin ang pinili na pagdarausan ng torneo.

Dito’y mapapatunayan natin sa mata ng mundo ang kapasidad ng Pilipinas na maging punong-abala sa ga­nito ka-grandeng sports events. Hindi puwedeng pipit­sugin ang ating mga pasilidad at ang paghahanda sa ga­nitong torneo ay hindi puwedeng tipirin.

Ano naman ang benepisyong mapapala ng Pinas? Daragsa ang mga turista at mababago ang negatibong impresyon nila sa ating bansa. Tourism spells the influx of dollars to the Philippines. Puwede ring dumagsa sa bansa ang mga dayuhang negosyante at mahikayat na mamuhunan sa bansa. Suma total, makikinabang nang malaki ang Pilipinas lalu na sa aspetong pang-ekonomiya.

Kung tatanggi tayo sa hosting ng ganitong mga world events, nagtapon din tayo ng oportunidad para ma-reha­bilitate ang nasisirang image ng bansa. Kaya itigil na natin­ ang mga mapanirang pahayag. Kung may nagdududang may katiwalian sa prepa­rasyon nito, hintayin na muna nating matapos ang palaro bago pag-usapan para hindi mademoralize ang ating mga atleta at hindi masira ang imahe ng bansa sa mata ng international community.

vuukle comment

SOUTH­EAST ASIAN GAMES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with