^

PSN Opinyon

Lindol bilang schoolwork; mga bata mamuno sa sakuna

SAPOL - Jarius Bondoc - Pilipino Star Ngayon

“CLASS, ang leksiyon natin ngayong araw ay lindol. Bilang homework, inspeksiyunin niyo ang loob at labas­ ng mga bahay ninyo kung may mga biyak. Tiyakin kung saan magda-“duck, cover, and hold”. Punuin ang isang kahon ng mga de-latang pagkain, tubig, first-aid kit. Mag­plano at magsanay ng evacuation. At hanapin online­ kung may earthquake fault line malapit sa inyong komunidad. I-sub­mit ito sa loob ng isang linggo.”

Kinikinis ni Science USec. Renato Solidum Jr. at Department of Education ang naturang module ng Lindol Homework. Ang pakay ay pasimunuan ng mga bata sa grade school ang paghahanda sa sakuna. Masunurin sa guro, gagawin nila ang homework -- at patutulungin pa ang magulang -- para sa kapakanan ng bawat isa. Nasubukan na ito sa ilang paaralan nu’ng 2015: positibo ang epekto. Matandain ang mga bata sa leksiyones. Sa TV news itinanghal ang batang babae na, nu’ng nag-Magnitude-7 earthquake sa Cotabato nu’ng Oktubre ay nagpakita sa mga kumakain sa restoran kung paano sumuot sa ilalim ng mesa at, pagtapos ng pagyanig, mahinahon na lumabas ng pintuan para sa kaligtasan.

Gaano kahanda ang mga Pilipino sa sakunang lindol? Depende sa lugar, ani Solidum. Mas alerto sa mga pook na kalilindol lang o malimit mag-quake drill o magpaalala ang mass media at opisyales. Sa nakaraang 400 taon ng pagtatala ng lindol, mga 100 ang lubhang mapanira. Ngayong dumadami ang tao at tabi-tabi ang mga gusali, mas malala ang nararanasang epekto.

Tatlo ang karaniwang nararamdaman ng tao sa lindol. Sa simula ay taas-baba, parang bola na dinidribol. Kasunod ay parang hinihila at tinutulak pakaliwa’t-kanan. Huli ay nakakahilong pagduyan. Mahalaga na makilala ng tao ang bawat galaw, ani Solidum. Mas matagal ang taas-baba, ibig sabihin mas malapit sa epicenter, kaya asahan ang malalakas na aftershocks. Kaya, bago bumalik sa loob ng bahay, inspeksiyunin ang mga pader, at kung may usok o sunog.

vuukle comment

LINDOL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with