Mga sekyu mula sa Lanao, nagsumbong sa BITAG!
BAHALA SI BITAG - Ben Tulfo (Pilipino Star Ngayon) - November 18, 2019 - 12:00am

Ang kolum na ito ay para yanigin ang mga nakatuwad na kukote ng San Miguel Security Agency. Kaawa-awa ang sinapit ng mga empleyado n’yong security guards. Walong guwardiya n’yo ang lumuwas pa sa Quezon City upang magsumbong sa BITAG, lahat sila’y mga kapatid na Muslim.

Ang kanilang sumbong, hindi naiiba sa reklamo ng mga sekyu sa Metro Manila na lumapit na sa amin. Butas-butas na hulog sa benepisyo, walang 13th month, walang holiday pay at night differential, wala ring day off. Pero tila mas matitibay ang sikmura n’yong kawawain ang mga sekyu riyan sa Lanao del Norte. Ang kanilang sahod na P396 kada araw, P243 lamang ang binibigay n’yo.

Eto pa ang panlalamang na ginagawa n’yo San Miguel Security Agency, may bawas na P110 kada akinse’t katapusan sa sahod. At may P5,000 na acceptance fee sa mga baguhang security guard na gustong makapagtrabaho sa inyo.

Nakaabot pa sa akin na matagal na dapat magsasampa ng reklamo sa Labor ang inyong mga sekyu. Subalit pinagbantaan n’yo raw na papatayin ang mga ito kapag may umabot na sumbong kahit na sa Department of Labor and Employment (DOLE). Ah ganoon? Eto, ilalantad ko ang kabulastugan n’yo San Miguel Security Agency. PNP-SOSIA na mismo ang may sabi, ilegal ang ginagawa ninyo.

Ngayong araw na ito ay sasamahan ng BITAG ang mga pobreng sekyu sa Camp Crame. Pormal nang inan­yayahan ng SOSIA ang mga nagrereklamo na ireport sa kanilang tanggapan ang sitwasyon ng inyong mga guwardiya. Wala kayong karapatan San Miguel Security Agency na bigyan ng lisensiyang makapag-negosyo. Akala n’yo siguro porket andiyan kayo sa Mindanao ay hindi makakaabot sa kinauukulan ang kawalanghiyaan sa inyong mga empleyado.

Ang mga sekyu mula Lanao ay mga totoong tao na may totoong sumbong. Mga padre de pamilyang ang nais ay ma­ka­pagtrabaho ng payapa’t maayos. Nakaranas ng pang­gu­­gulang at pang-aabuso ng kompanya. Dala ng takot sa banta sa kanilang buhay at bitbit ang pag-asang agarang matulungan ay sa BITAG dumiretso.

Hindi ko sila bibiguin. Sisiguraduhin ng BITAG, sa tulong ng PNP-SOSIA at iba pang otoridad na mabibigyan ng agarang aksiyon ang sumbong na ito. Ang pagtulong ng BITAG sa mga lumalapit sa amin, walang bahid na pulitika at walang personal na agenda. Tunay at totoong serbisyo publiko lang!

BITAG
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with