Hoy! batugan, agahan mo ang pagbiyahe
SAPOL - Jarius Bondoc (Pilipino Star Ngayon) - November 18, 2019 - 12:00am

Nang sunud-sunod nasiraan ang LRT-1, LRT-2, at MRT-3 nu’ng Oktubre at daan-daang libong pasahero sa Metro Manila ang na-stranded, nag-alala ang ilang mambabatas. May krisis ba sa pampublikong transportasyon, tanong nila. Ang naging tugon ng Kalihim ng Transportasyon ay ituro ang bintang sa nakaraang administrasyon. Sumegunda ang Malacañang spokesman na wala namang “paralysis” dahil nakakarating pa naman umano ang mga tao sa paroroonan; ka­ilangan lang daw mag-effort na bumangon at lumakad nang maaga para hindi maantala sa appointment.

Sa totoo lang, madaling-araw pa ay gumigising na ang marami para maghandang bumiyahe nang tatlong oras papasok sa trabaho. At matapos ang nakakapagod na araw, sasabak na naman sila ng apat na oras na biyahe pauwi. Nagpapaligo at ipinaghahanda pa ng pagkain ang mga anak. Sa bus, jeepney, o tren na lang sila bumabawi ng tulog, maski nakatayo. Hindi sila mga batugan na pabandying-bandying lang.

Totoo pabaya ang dating admin sa pagmentena ng MRT-3, na in-expose ko nu’ng 2013-2016. Pero tatlong taon na itong mga kasalukuyang opisyales -- sablay din. Aba’y ninanais nilang patakbuhin ang depektibong bagon mula China -- pero sa rehab contract nila sa kompanyang Hapon ay magmumulta ang DOTr ng 50% o P9 bilyon kung gawin ‘yon. Palpak!

At hindi ba alam ng mga opisyales ngayon na ang main­tenance contractor sa LRT-2 noon at ngayon ay iisa. Kaya kung sasabihin nila na sablay ang trabaho noon, e ‘di gan’un pa rin ngayon. Palpak!

Hindi rin ba nila alam na nagpapatuloy hanggang nga­yon ang mga sablay ng nakaraang administrasyon sa paghanda ng rights-of-way kaya atrasado ang extension ng LRT-1 mula Bac­laran patungong Bacoor? Palpak!

At sana tumulong ang PNR Calamba-Tutuban commu­ter train na ibsan ang araw-araw na gridlock sa South Luzon Expressway. Pero, sabi ng labor union, winaldas ng top management ang P63 milyong pondong pang-operations, kaya kapos sa panggasolina ang locomotives. Palpak!

AGAHAN ANG BYAHE TRAFFIC
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with