Tulungan
K KA LANG? - Korina Sanchez (Pilipino Star Ngayon) - November 17, 2019 - 12:00am

NAKIPAGPULONG na si Vice President Leni Robredo kay PNP OIC Lt. Gen. Archie Gamboa at pumayag siya na pag-aaralan muli ang Oplan Tokhang dahil sa negatibong imahe na nito sa publiko. Kapag sinabing “na-tokhang” ay masama na kaagad ang pahiwatig at hindi nahuli lamang.

Gawa ito ng madugong kampanyang inilunsad ni dating PNP chief at ngayo’y senador Ronald dela Rosa. Nanlaban umano ang drug suspect kaya sila napatay ng mga pulis.

Pero dahil sa ilang operasyon kung saan nasiwalat na hindi naman talaga nanlaban ang suspek na napatay kundi pinatay na walang kalaban-laban, sumama nang husto ang ibig sabihin ng tokhang pati na rin ang imahe ng kapulisan.

Maganda naman daw ang paglatag ng plano ng tokhang pero may mga pulis na sa tingin ni Robredo ay umabuso. Kung bakit umabuso ay pakay pa rin ng espekulasyon. Sa loob ng tatlong taon ng administrasyong Duterte higit 5,000 na ang napatay batay sa opisyal na bilang. May mga nagsasabi na mas mataas pa ang bilang.

Ang direksiyon na tila tinatahak ni Robredo ay ang pag­huli sa mga supplier ng ilegal na droga. Nakipagpulong na nga siya sa mga kinatawan ng International Narcotics and Law Enforcement Affairs ng US State Department, US Drug Enforcement Administration, Federal Bureau of Investigation (FBI), at US Agency for International Development (USAID). 

May kumpidensyal na impormasyon silang ibinigay kay Robredo tungkol sa mga aktibong sindikato sa bansa. Nais daw nilang tumulong para masugpo ang iligal na droga hindi lang sa Pilipinas kundi maging sa buong mundo. Maganda kung magagamit ang teknolohiya ng US sa pagsugpo sa mga sindikato. 

Ang nais pa ni Robredo ay makausap ang gobyerno ng China para sugpuin ang ilegal na droga na karamihan ay galing doon. Karamihan ng mga nasabat na malalaking halaga ng shabu ay galing China. Nais makipagpulong para pag-usapan kung paano mahihinto ang pagpasok ng ilegal na droga sa bansa.

Sana nga ay makipagtulungan ang China. Mukhang mga supplier ng droga ang target ni Robredo. Siguro hindi siya maaakusahang “bini-baby” lang ang mga drug lord.

OPLAN TOKHANG
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with