Health is wealth
KUNSABAGAY - Tony Katigbak (Pilipino Star Ngayon) - November 17, 2019 - 12:00am

NANINIWALA ako sa kasabihang ang kalusugan ay ating kayamanan. Kailangan pa rin ng ibayong pag-iingat upang maiwasan na dapuan tayo ng iba’t ibang klaseng karamdaman. Hindi naman kaila sa ating lahat ang mga nagtataasang presyo ng mga pangunahing bilihin kaya kung maari ay bawal ang magkasakit.

May balitang bababa ng 50% ang mga gamot para sa cancer, diabetes, hypertension at iba pa na mga pangmatagalang inuman na gamot. Ayon kay Health Secretary Francisco Duque, maglalabas ng Executive Order si Pres. Digong Duterte bago matapos ang taong ito.

Magandang balita ito sa mga may cancer at nagmi-maintenance ng gamot dahil hindi naman lahat ng may karamdaman ay marangya ang pamumuhay. Marami riyan na humihingi ng tulong sa iba’t ibang ahensiya ng gobyerno.

Pabata na nang pabata ang dinadapuan ng iba’t ibang klase ng sakit. Kasi‘y tayong mga Pilipino ay mahilig kumain. Kahit bawal sige pa rin at isa sa kinakahiligan na rin natin ang “unli”. Kaya hindi natin namamalayan padagdag nang padagdag ang ating timbang na nagdudulot ng karamdaman. Unang sakit na tatama ay diabetes na maaring maapektuhan ang iba nating lamanloob tulad ng kidney.

Ayon sa Pharmaceutical Healthcare Association of the Philippines (PHAP) na puwede silang magkusang ibaba ang presyo ng gamot kaysa maglabas ang gobyerno ng bagong maximum drug retail price prices (MDRP). Dapat magkusa na lang na pababain ang presyo dahil hindi naman lahat ng uri ng gamot ay hinihinging ibaba ang presyo.

Ganunpaman, pasalamat pa rin tayo, at least ang maibabawas sa presyo ng gamot at maipandadagdag sa pang-araw-araw na gastusin. Sabi ko nga kapag mahirap ang maysakit hindi lahat nang nireresetang gamot ng doctor ay kanilang nabibili at naiinom.

HEALTH
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with