Give the VP a chance
AKSYON NGAYON - Al G. Pedroche (Pilipino Star Ngayon) - November 16, 2019 - 12:00am

PINAGTATALUNAN pa rin hanggang ngayon kung tum­pak ang pagkakahirang ni Presidente Duterte kay Vice President Leni Robredo bilang co-chairperson ng ICAD o Inter-agency Committee Against Drugs o tama bang tang­gapin ito ng Bise Presidente. Itigil na ang pagtatalo na nagi­ging dahilan ng pagkakahati ng bansa. Kung tama o mali ang pagtatalaga at pagtanggap ni Robredo sa posis­yon ay panahon lang ang makapagsasabi. Kaya wait na lang tayo imbes na magtalu-talo.

Tama naman kasi ang obserbasyon ni Robredo na sa kabila ng mga pagpatay sa mga tinutugis na pushers­, walang nakikitang pagbuti sa kalagayan ng salot na droga sa bansa. Kung magkagayon, Eh ‘di subukan ang mas ma­hi­nahong diskarte ng Bise Presidente sa paglaban sa droga. Bagamat naniniwala ako na malabong mangyari ang target ni Robredo na zero killing, possible namang maba­wasan ito upang ang mga posibilidad na pagpatay ay malimitahan lamang doon sa mga talagang nanlaban.

Hangad din ni Robredo na sa halip na ituon lamang sa mga maliliit na magtitingi ng droga ang operasyon, ang tugisin ay ang mga big time drug lords. May lohika iyan dahil  kung hindi masusugpo ang mga utak, putulin man ang mga galamay at tutubo pa rin at tutubo nang walang humpay ang mga ito. Katunayan, ang pamunuan ng Philippine Na­tional Police (PNP) ang nagsabi na napakalaki pa rin ng problema sa droga sa buong Luzon.

Tama si President Duterte. Hindi madali ang pagsugpo sa droga. Sa umpisa ay binigyan lamang ni Duterte ang sarili ng anim na buwan upang sugpuin ito, pero sa dakong huli ay umamin siyang hindi ito matutuldukan sa loob ng kan­yang termino bilang Pangulo. Samantala nagpatuloy ang mga walang habas na pagliligpit sa mga pushers na sa mata ng taumbayan ay extra-judicial killings. Issue ring malaki ang pagkakadawit ng ilang elemento ng PNP sa droga.

Kaya sa halip pulaan si Robredo, subukan muna ang kanyang pormula. May karapatan naman siya na maging bahagi ng anti-drugs operation dahil siya ang pangalawang pinakamataas na opisyal sa bansa dangan nga lamang at siya ay oposisyunista. Sa tingin ko, ang pinakamalaking balakid sa mga programa ng pamahalaan ay ang nangyaya­ring political division. Panahon nang isa­-isantabi ito at magtulungtulong tayong lahat.

INTER-AGENCY COMMITTEE AGAINST DRUGS LENI ROBREDO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with