Ama, nanawagan sa BITAG para sa nawawalang anak!
BITAG - Ben Tulfo (Pilipino Star Ngayon) - November 15, 2019 - 12:00am

SADYANG mapusok at risk taker ang mga kabataan ngayon. Kapag sinabayan pa ng pabaya at maling pagpapalaki ng magulang, problema ang siguradong dulot nito sa tahanan. Isa ito sa mga responsibilidad na ipinagkaloob ng Maykapal sa aming magkakapatid sa prebilehiyong makatulong sa kapwa. Maging tagapag-ugnay ng mga hindi nagkakaunawaan, magkakapamilya man o hindi.

Simpleng panawagan lamang ang ginawa ng isang ama sa kanyang naglayas na 16-anyos na babaeng anak. Sa aming programang Aksiyon Ora Mismo, naki­usap itong umuwi na’t mag-usap nang mahinahon bilang mag-ama.

Oktubre 25 pa hindi umuuwi ang dalagita sa kanilang bahay. Sa pakikibalita ng ama, palipat-lipat daw ito sa kanyang mga barkada at doon pansamantalang nakiki­tira. Sa tingin ko bilang isang ama rin, may problemang namuo sa loob ng kanilang pamamahay na hindi agad nabigyan ng atensiyon ng pinuno ng tahanan. Itong si Ineng, mas kampante at masaya kasama ang mga barkada, nasarapan sa buhay kasama ang mga barkada at hindi na ginustong umuwi sa mga magulang.

Nakalulungkot ang ganitong mga kuwento. Hindi ko naman magawang sisihin ang ama at blanko rin siya sa ideya kung bakit hindi na umuwi ang anak. Ipinanawagan ito ng BITAG, we used the power of digital media para masigurong buong bansa ay makakaabot ang panawagan ng tatay. Napanood ito sa YouTube ng ina ng nobyo ng dalagita. Kinabukasan ay dinala agad ang dalagita sa Bgy. Sta. Rosa Laguna. Itinurn over naman ng barangay sa pulis at sa huli ay sa DSWD Alaminos, Laguna upang doon sunduin ng ama ang bata.

Hindi na kami nakialam at nakiusyoso. Tama na sa BITAG na sa pamamagitan ng aming programa ay natugunan ang panawagan ng isang ama, nakauwi na rin ang kanyang anak. Eto ang hubo’t hubad na katotohanan, mga totoong istorya na sa mismong pinakamaliit na sangay ng lipunan –ang pamilya ay nangangailangan din ng panghihimasok ng mga hindi miyembro nito. Kami man ay kanilang hinihingian ng tulong.

DSWD
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with