Kultura, karakter
K KA LANG? - Korina Sanchez (Pilipino Star Ngayon) - November 15, 2019 - 12:00am

BAKIT kaya may mga Pinoy na hindi disiplinado? Ipinagbawal na ni Manila Mayor Isko Moreno ang mga vendor sa Ilaya St., Divisoria dahil sa tambak ng basura na sumalubong sa kanya nang sorpresang mag-inspeksyon noong Lunes ng umaga. Ayon kay Moreno, pinaghanapbuhay na nga sila pero binaboy naman ang lugar. Kaya para maturuan ng leksiyon, tuluyan na silang ipinagbawal doon.

Dumaing naman ang ilang nakapanayam na vendor na sana ay pagbigyan sila ni Moreno dahil hanapbuhay nila iyon. May nagsabi pa nga na sa gabi ay malinis ang lugar pero sa umaga ay puro basura na. Ano ang nangyari? Ganyan karaming basura ay hindi alam kung saan galing o sino ang nagtapon? Basta na lang lumitaw? Kung pinagbigyan na pala sila, bakit hindi inalagaan ang lugar? Bakit hindi nila bantayan para manatiling malinis? Wala ba talagang malasakit?

Nakakainggit talaga sa ibang bansa kung paano nila napapanatiling malinis ang kanilang lugar, kahit mga palengke pa. Wala sa kultura natin. Hindi naman puwedeng sabihin na wala sa karakter ng Pilipino dahil kapag nasa ibang bansa ay malinis naman. Kapag alam na mabigat ang multa at may kulong pa, sumusunod sa mga alituntunin hinggil sa kalinisan. Dapat may mabigat na parusa sa pagkakalat, jaywalking, paglabag sa mga batas-trapiko at pati sa vandalism.

Binantaan ni Moreno ang grupong nag-vandalized sa kalilinis at kapipinturang dingding sa Lacson underpass sa Maynila. Kapag nahuli raw ang mga ito ay padidilaan ang mga pinintura. Sang-ayon ako sa malayang paglabas ng saloobin kahit kontra sa gobyerno, pero bakit sa ganyang paraan? Maraming paraan na hindi naman nakakarumi ng kapaligiran. Kung humingi ng paumanhin ang grupong ito kay Moreno, dapat ipalinis sa mga ito ang kanilang dumi.

ISKO MORENO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with