Rep. Velasco bigo sa term-sharing?
AKSYON NGAYON - Al G. Pedroche (Philstar.com) - November 14, 2019 - 12:00am

Malungkot daw si Cong. Lord Allan Velasco dahil tila lumalabo ang term-sharing nila ni Speaker Alan Peter Cayetano. Nagdiwang kamakailan ng ika-42nd birthday ang Marinduque Congressman at ang kanyang misis na si Rowena sa San Juan. Ang guest of honor ay walang iba kundi si Pangulong Rodrigo Duterte. Kaso, hindi nang­yari ang kanyang inaasahan. Hindi kinumpirma ng Presi­dente ang naunang napagkasunduang term-sharing nila ni Speaker Alan Peter Cayetano.

Magugunita natin na nagkaroon ng “15-21” term-sha­­ring­­ agreement na ang Pangulo ang nag-apruba at namagitan­. Si Cayetano ay uupo sa unang 15 buwan bilang Speaker­, at pagkatapos ay si Lord naman sa huling 21 buwan ng 18th Congress. Ngunit walang pahayag ang Pangulo na dapat ipagsaya ng birthday celebrator matangi sa pahayag na ito. “Kung iyan ang usapan, term-sharing, nasa inyo na ‘yan if the parties would honor.” 

Dagdag pa ng Pangulo sa harap ng mga congressman na imbitado ni Lord: “Hindi ko pinipilit ang sinuman na puma­nig kaninuman. Karapatan niyo ang pumili dahilang kasunduan at ang pagpili ay nasasainyo. Kayo ang may kapangyarihan para mailulok o matanggal ang isang Speaker.”

Talagang nakakalungkot ito para kay Lord. Ang Pangu­long Duterte na mismo ang nagsabi na nasa mga kongre­sista na ang pasya tungkol sa term-sharing.

Mas pinapaboran kasi ni Pangulong Digong ang magandang performance kaysa ang pagiging malapit sa kanya sa pagbibigay ng kanyang suporta, na siya na­mang­ dapat. Ang bansa at ang mga mamamayang Pilipino nga naman ang makikinabang kung ang suporta niya ay ila­lagak sa karapat-dapat dahil sa buti ng ipinakikitang pag­sisilbi sa bayan.

Ipinakita ni Alan Peter ang dedikasyon at kakayahan  sa pagiging Speaker. Tingnan nyo nga naman, sa unang dalawang buwan pa lang na pagiging Speaker, nakapagtala na si Cayetano ng pinakamataas na rating kumpara sa mga dati niyang kapwa Speaker sa pinakahuling survey ng Pulse Asia. Ang trust rating ni Cayetano na 62% at approval rating na 64% ay masasabing record-high na ratings. Mas mataas pa ang ratings ni Cayetano kesa kay Vice President Leni Robredo. 

 Sa maikling panahon pa lang ng kanyang pagiging Speaker, naipasa na ng Kamara ang mahahalagang panukalang batas tulad ng mga tax reform bills ng Pangulong Duterte. At higit sa lahat, naipasa rin nf Kamara ang national budget  para sa 2020 sa mabilis na panahon ng walang pork, walang iligal na insertions at walang parking ng pondo.

 Kaya naman maging si Cavite Congressman Piding Barzaga na presidente ng National Unity Party ay nagsabing baka hindi na kailangan pa ang term-sharing kapag ganito ng ganito ang ipinapakita ni Cayetano. Ituloy-tuloy na lang hanggang matapos ang Kongreso. 

ALAN PETER CAYETANO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with