EDITORYAL - Mahal pa rin ang bigas
(Pilipino Star Ngayon) - November 13, 2019 - 12:00am

MINSAN, sinabi ni President Duterte na gusto niyang maibalik ang presyong P7 bawat kilo ng bigas. Gusto niya, huwag mahirapan ang mga tao sa pagbili ng mahal na bigas. Kaya nga pinagmadali niya ang mga mambabatas na maipasa ang Rice Tarrification Law. Naaprubahan naman ang batas at gumulong na noong nakaraang Marso.

Sa pagkakaapruba ng batas, naging maluwag na ang importasyon ng bigas. Kahit sino, puwedeng mag-import basta susunod lang sa batas. Kaya ang nangyari, sobrang dami ng bigas na dumara­ting sa bansa. Nag-uumapaw ang bigas sa pamilihan.

Ayon sa report, malapit nang maging number one sa pag-import ng bigas ang Pilipinas. Malapit na umanong malampasan ang China sa pag-import ng bigas. Umano’y nagpapantay na ang Pilipinas at China sa 3.1 milyong tonelada ng bigas na inim­port noong nakaraaang Oktubre. At maaaring ma­lampasan ng Pilipinas ang China bago raw matapos ang 2019.

Ang nakapagtataka lang sa nangyayaring ito, sa kabila na dagsa na ang imported na bigas, ang sinasabing pagbaba ng presyo nito gaya ng sinabi ng Presidente na P7 bawat kilo ay tila isang bangu­ngot lang. Paano’y naglalaro pa sa P37 at P40 ang kilo ng bigas. Mayroon pang P50 ang kilo. Nasaan ang sinasabing kapag naging maluwag na ang pag-import ng bigas ay bababa na ang presyo? Nagka­mali ba sa liberalisasyon ng pag-i-import ng bigas?

Isa pang nakapagtataka ay ang biglang pagbagsak ng bawat kilo ng palay na ibinibenta ng mga local na magsasaka. Kung dati ay naibebenta nila ng P14 bawat kilo, may nagsasabing naibebenta lang ngayon ng P8 hanggang P9. Bakit nagkaganito?

Pag-aralan sana kung bakit hindi bumababa ang bigas at bakit mura ang palay ng mga magsasaka? Kawawa naman ang mga kakarampot ang suweldo na paisa-isang kilo lang kung bumili ng bigas.

BIGAS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with