Pork crisis sa buong mundo
AKSYON NGAYON - Al G. Pedroche (Pilipino Star Ngayon) - November 13, 2019 - 12:00am

MARAHIL hindi nalalaman ng marami na ang krisis sa karne ng baboy dulot ng kinatatakutang African Swine Fever (ASF) ay hindi lang sa Pilipinas kundi sa buong daigdig.

Ayon sa United Nations Food and Agriculture Organi­zation, ang produksyon ng karne, partikular ang baboy ay bumagsak nang napakalaki sa kauna-unahang pagka­­kataon sa loob ng dalawang dekada. Ang masaklap, hindi natin nakikitang humuhupa ang epidemyang ito na kumikitil sa buhay ng mga baboy.

Dahil dito, marami tayong kababayan na may negos­yong piggery ang tiyak na maaapektuhan nang malubha. Bukod diyan, malamang maapektuhan ang negosyo ng mga food processors na nag-eempleyo ng libu-libong mang­gagawa. Kung tutuusin, malaki ang epekto ng prob­lemang ito sa ekonomiya. Hindi naman puwedeng sisihin ang pamahalaan dahil ito’y isang pandaigdig na suli­ranin.

Bagama’t walang epekto ang ASF sa tao, mabilis ang pagkalat nito at agad pumapatay ng mga naaapektuhang baboy.

Siguro, ngayon pa lang ay dapat nang mag-isip ng alter­natibong negosyo ang mga magbababoy hanggang hindi pa humuhupa ang epidemyang ito. Diyan pumapasok ang mga eksperto sa pamahalaan na siyang dapat mag-isip kung ano ang mga alternatibong ito.

Kailangan din ang isang epektibong paraan ng pagtatanod sa ating mga port of entry para mapigil ang pagpasok sa bansa ng mga karneng baboy na apektado ng ASF habang sinasawata ang pagkalat ng sakit na ito sa ating bansa. Hindi madaling gawin, pero iyan ang nararapat.

AFRICAN SWINE FEVER
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with