EDITORYAL – Subukang sumama sa drugs operations
(Pilipino Star Ngayon) - November 12, 2019 - 12:00am

SABI ni Vice President Leni Robredo nang tang­gapin ang posisyon na co-chairperson ng Inter-Agency Committee on Anti-Illegal Drugs (ICAD) noong nakaraang linggo na gusto niyang walang mamatay sa pagsasagawa ng operations laban sa drug pushers. Zero casualty ang gusto niyang mang­yari habang ginagawa ang anti-drugs operations. Marami na umanong napatay habang ginagawa ang operasyon.

Mahirap mangyari ang gusto ni Robredo na “zero casualty”. Ibang klase na ang mga drug pushers ngayon na patapon na ang buhay kaya sa halip na sumuko, lalaban sila sa mga awtoridad. Makikipagbarilan na ang mga ito at matira ang matibay. At basta na lamang ba titigil sa isang lugar para magkober ang mga pulis, hindi naman tama sapagkat kailangan nilang ipagtanggol ang sarili. Kailangan nilang ipakita na mas superior sila at ipinatutupad lamang ang batas. Dito na magkakaroon ng labanan at maaaring mapatay ang mga drug pusher at ganundin sa panig ng mga pulis. Sa police operations, lagi nang mataas ang posibilidad na may casualties. Bihira na walang namamatay sa magkabilang panig.

Kaya para malaman ng Vice President ang totoong nangyayari sa anti-drugs operations, dapat sumama siya. Dapat makita niya kung ano ang sitwasyon. Kahit minsan lang ay mag-join siya sa police operations at nang malaman niya ang mga nangyayari.

Tama naman ang sinabi ng Vice President na dapat tutukan ang big-time drug suppliers. Kung hindi raw mapuputol ang supply at pawang maliliit na drug pushers lamang ang napapatay, balewala ang kampanya. Dapat lang talaga na unahin ay ang pinanggagalingan ng illegal na droga. Mula pa 2016 umarangkada ang drug campaign pero hanggang ngayon, wala pang nararating. Tutukan ang big-time drug suppliers. Sila ang unang lipulin para matapos na ang problema.

Hindi rin magtatagumpay ang kampanya sa droga kung mayroong mga pulis na nagre-recycle ng droga. Dapat linisin ang hanay ng kapulisan at basagin ang mga dumudungis. Hindi sila dapat patawarin.

INTER-AGENCY COMMITTEE ON ANTI-ILLEGAL DRUGS LENI ROBREDO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with