^

PSN Opinyon

Unang diskarte ni czarina Leni

AKSYON NGAYON - Al G. Pedroche - Pilipino Star Ngayon

ANG unang diskarte ni VP Leni Robredo bilang anti-drug czarnia ay makipagpulong sa mga kinatawan ng United States at United Nations hinggil sa kampanya ng pamahalaan laban sa mga bawal na droga. Kung hindi kokontra ang administrasyon, ito marahil ang malaking kaibahan ng complexion ng drug war kung ihahambing sa mga panahong hindi pa pumapasok sa eksena si VP Robredo.

Noong araw, nangunguna sa pagbatikos sa drug war ng pamahalaan ang United Nations dahil sa mga nangyayaring extra-judicial killings (EJK) sa mga anti-drug operations. Ito ay bagay na nagpapakulo sa dugo ni Pres. Duterte na nagbanta pang kakalas ang Pilipinas sa pagiging kasapi ng UN. Mistulang naging anti-social na ang Pangulo kahit sa ibang mga bansang tumutuligsa sa kanyang estilo ng pakikibaka sa droga, kasama na ang America.

Ngayon, sa pagkaka-appoint mismo ng Pangulo kay Robredo bilang anti-drug czarina, mukhang ang Bise Presi­dente ang magiging neutralizing factor upang mapawi ang umiral na iringan ng Presidente sa ibang bansang kumukuwestyon sa kanyang drug war. Harinawang mangyari ito. Kaya ang tanong ay, magkakasundo kaya sina VP Robredo at Duterte sa pamamaraan ng pagbaka sa salot na droga? Abangang na lang ang mga susunod na pangyayari.

Katunayan, natanggap na ni Robredo ang suporta ng America sa kampanya ng Pilipinas kontra droga nang makipag-usap siya sa embahador ng US na si Sung Kim, bagay na pinasalamatan ng Vice President. 

Hindi dapat ituring na panghihinasok ng ibang bansa ang ano mang suporta maibibigay nila sa ikapagtatagumpay ng kampanya laban sa droga. Ang droga ay isang pandaigdig na salot na dapat nagkakaisang puksain ng mga bansa. Kaya sa pakikipagpulong ni Robredo sa mga kinatawan ng UN at US, kasama rin ang ibang stakeholder upang epektibong makabuo ng tamang estratehiya sa pagsugpo sa drug problem.

Sa ganitong konsultasyon, makakakuha ng mga gintong aral ang Pilipinas mula sa ibang bansa na magtagumpay na nasugpo ang problema ng droga. Ngunit papayag naman kaya ang administrasyon na papasukin ang mga foreign entities na gagawa ng pagsisiyasat sa takbo ng anti-drug operations sa bansa, isang bagay na mahigit na tinututulan ng gobyerno?

vuukle comment

LENI ROBREDO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with