Boycott
DURIAN SHAKE - Edith R. Regalado (Pilipino Star Ngayon) - November 10, 2019 - 12:00am

NASA Bangkok, Thailand ako nang i-boycott ng pito sa 10 leaders ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) ang gagawin sanang ASEAN-US Dialogue meeting noong Nobyembre 3, 2019.

Sa 10 leaders ng ASEAN, tanging sina Thai Prime Minister Prayut Chan-o-cha, Vietnamese Prime Minister Nguyen Xuan Phuc, Lao Prime Minister Thongloun Shisoulith at iba pang foreign ministers ang tanging humarap kay US Security Adviser Robert O’Brien at Commerce Minister Wilbur Ross na ipinadala ni US President Donald Trump sa 35th ASEAN Leaders Summit sa Bangkok. 

Talagang bumilib ako sa pitong ASEAN leaders na kinabibilangan nina Pres. Rodrigo Duterte ng Pilipinas, Malaysian Prime Minister Mohammad Mahathir, Brunei Darusslam Sultan Hassanal Bolkiah, Cambodian Prime Minister Hun Sen, Singapore Prime Minister  Lee Hsein Loong, Myanmar Leader Aung San Suu Kyi,  at Indonesian President Joko Widodo. Nanindigan silang huwag harapin si O’Brien at Ross dahil nga hindi naman head of state ang mga ito. 

Isipin n’yo ba naman na ang pinadala ni Trump sa isang mahalagang okasyon gaya ng ASEAN Leaders Summit ay adviser level lang at hindi pa talaga miyembro ng Gabinete.

Binoykot na nga ni Trump ang ASEAN Summit dinagdagan pa niya ang insulto sa pagpadala ng advisers lang sa ASEAN-US Dialogue.

Kahit paano naipakita ng mga leader ng ASEAN na kaya nilang manindigan at hindi sunud-sunuran kay Trump sa gusto nitong mangyari o kung ano ang gustong mangyari ng US sa ASEAN.

‘Yan ang tapang ng ASEAN.

ASSOCIATION OF SOUTHEAST ASIAN NATIONS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with