Mga isyu sa budget
K KA LANG? - Korina Sanchez (Pilipino Star Ngayon) - November 9, 2019 - 12:00am

SAAN ginagamit ang “unprogrammed appropriations” (UA) o pondo na wala pang paggagamitan? Ito ang tinatanong ni Sen. Ralph Recto. Tila walang transparency o linaw sa P216 bilyong na kasama sa ipinapanukalang budget sa darating na taon. Idadagdag pa raw ito sa P4.1 trilyon na budget sa 2020. Ang pagsasalarawan nga ni Recto ay pondong nasa isang kahon pero walang pag­­gagamitan, o tseke na may nakasulat na halaga pero walang pagbabayaran.

May ibinigay na listahan ang Palasyo pero mukhang hindi pa rin kuntento si Recto kaya ilalabas niya ang isyung ito sa Senado. Ikumpara ang laki ng UA sa budget ng ilang sangay ng gobyerno tulad ng DOH na kaila­ngan na kailangan ng pera. Ang PGH lang ay mapapakinabangan ang karagdagang budget para sa kanilang operasyon.

Mga nurses na hanggang ngayon ay hindi mataasan ang sahod kahit may desisyon na ang Korte Suprema. Budget ng Internal Affairs Service sa PNP na napakaliit kaya hindi nila magawa nang maayos o nang mabilis ang pag-imbestiga sa mga tiwaling pulis.

Dapat nga mas malinaw kung saan nga mapupunta ang UA. Ilang isyu na ang lumalabas sa budget para sa taong 2020. Ang Senado naman ang tatalakay ng budget at marami ang nangakong susuriin ito nang husto para hindi na bumalik ang “pork” at anumang sistema kung saan hindi ang mamamayan ang makikinabang. Pag-aralan kung sapat ang budget na ilalaan sa iba’t ibang sangay ng gobyerno.

Sigurado malaki ang budget ng PNP at AFP na ala­gang-alaga ng administrasyong Duterte. Pero huwag naman sana kalimutan ang DOH at ang DepEd. Mahalaga rin ang edukasyon at kalusugan sa ikauunlad ng bansa. Kung ang ipinagmamalaki ng gobyerno ay nagagamit ang pondo para sa bansa, maraming mga paaralan at ospital ng gobyerno ang makikinabang sa sinasabing gastos na iyan.

Isang kalakaran na nais ding matigil na ay ang pansamantalang paglagay ng pondo sa ibang ahensiya o ang tinatawag ni Recto na “pasa-load” para masabing nagamit na ang nakalaang budget. Kapag nasabing nagamit na ang pondo, hindi na ito ibabalik sa kaban ng bansa. Kaya bukas nga naman ito para sa katiwalian kung sakali. Kapag nilipat naman ang pondo, dapat malaman din kung saan inilagay at kung saan gagamitin nang naglipat.      

RALPH RECTO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with