VP Leni kumasa sa alok ni Boss Digong
ORAMISMO - Butch M. Quejada (Pilipino Star Ngayon) - November 8, 2019 - 12:00am

KUMASA si VP Leni Robredo sa gustong mangyari ni Boss Digong na pangunahan nito ang kampana este mali kampan­ya pala sa war on drugs.

Sabi nga, after mga kritisismo ay tinanggap din ni VP ang alok kaya naman puede na siyang sumama kapag may cabinet meeting ang mga kaalyado ni Boss Digong sa Malacañang.

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, for the past few days duda ang mga kaalyado ni VP Leni sa gustong mangyari ni Boss Digong dahil diumano’y patibong ang puestong ibinibigay dito,

Naku ha!

Intriga na naman!

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, ang posisyon itinutulak kay VP Leni bilang “co-chair” ng Inter-Agency Committee on Anti-Illegal Drugs sa Executive Order 15 ay non-existence daw?

Naku ha!

Nakalimutan yata ng mga intrigadores na si Boss Digong ang pangulo ng Philippines my Philippines at kayang-kaya nito gumawa ng EO anytime he wants.

Ano sa palagay ninyo?

Ang birada naman ni VP Leni, kung ito ang paraan para matigil ang patayan sa mga innocent people at mapanagot ang dapat managot ay papasanin niya.

Banat naman ni Senator Leila de Lima sa kanyang karsel ‘trap’ daw ang ibinibigay na position ni Boss Digong kay VP Leni?

Naku ha!

Nakakulong na nga, kontrabida pa. Hehehe!

Marami pang mga satsat ang naglalabasan sa mga bibig ng mga kritiko ni Boss Digong pero hindi na natin ito tatalakayin pa, ang importante ay antayin natin ang bagong trabaho ni VP Leni.

Ano sa palagay ninyo?

Ang importante ay panagutin lahat ni VP ang mga naglu-luga este mali naglu-lungga palang mga ‘ninja cops’ at huwag lamang i-zero ang drama sa 13 ninja cops from Pampanga.

Sabi nga, ang daming ninja cops mula Aparri hanggang Mindanao ay meron nito? Abangan.

Si Ka Dindo Generoso, 67

DEDO si Radio Broadcaster Dindo Generoso, 67, matapos itong pagbabarilin ng hindi pa kilalang kamoteng gunman sa Barangay Piapi, Dumaguete City.

Hindi pinatawad ng mga gagong kriminal si Ka Dindo kahit na damatan na ito.

Papasok sa trabaho sa dyEm 86.7 Bai Radio si Ka Dindo, nang tambangan ito.

Sabi nga, sakay ang kamoteng gunman ng kanyang motorsiklo nang barilin niya ang biktima.

Pangalawa na ang patayan blues ng mga radio broadcaster sa Dumaguete sa loob lamang ng one year,

Apat na bala ang sinasabing pumasok sa bintana ng kotseng minamaneho ni Ka Dindo,

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, last April 2018, pinatay ang isang radio journalist na si Edmund Sestoso.

Ika nga, dumarami ang birador ng mga mamahayag!

Bakit ?

‘Yan ang antayin natin!

LENI
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with